Marami sa ating mga kababayan ang mahilig mag softdrinks, masarap nga naman itong iterno sa meryenda, o anumang kainan at handaan lalo na at ito ay sobrang lamig at nag yeyelo, at kadalasan ang trip natin pagka bukas ,, tinutungga ito agad. may ilan namang nilalagyan na lang ng straw ang bote at ayos! pwedeng pwede na itong panulak sa kung ano mang maisipan nating bilhin sa ating tinatambayang kantina or snack house.. 

Pero nitong nakaraang araw. nag masid masid ang isa sa ating staff writer dito sa I-nfograpix at meron siyang balita at scoop na namataan.

Hindi po namin sinasabing masama ang mag softdrinks pero bibigyan namin kayo ng idea kung paano ito magiging delikado lalo na sa mga mahilig uminom nang sofdrinks na hindi nag iingat.

**Tiyakin na bago uminom i check ang bunganga o butas  ng bote, baka may crack. kadalasan nangyayari ang crack sa bote dahil sa maling proseso ng pag bubukas nito gamit ang bottle opener. **

may posibilidad na may mga maliliit na hibla ng bubog na nahuhulog sa loob ng iinuming softdrinks. at dahil sa maliit ito. hindi na ito napapansin ng iinom nito., napaka delikado po ito na pumasok sa sistema ng katawan, maari nitong sugatin ang mga maselang bahagi ng bituka. suriing mabuti ang loob ng softdrinks bottle. may ilang kaso na naisasamang naiinom ang maliliit na bubog sa loob ng  bote,

Ang kumplikasyon nito ay hindi biro, maaring mospital o kung mas malala maaring matigok dahil sa inflamation problem o kaya impeksiyon sa loob ng intestine, bagamat may ilang nagsasabi na kaya daw itong tunawin na ating bituka. may chance pa rin na mahirapan itong i proseso ang pagtunaw.

kaya next time  na iinom ka ng softdrinks or any bottled drinks na gawa sa bote o babasagin ang pinaglagyan, i check mo muna ito. huwag tungga ng tungga. ikaw din. baka mapahamak ka.

Para makatiyak,
Haplusinng paikot ikot ang butas ng bote, gawin ito ng counter clockwise direction or clockwise directions, tiyakin na walang rough edges at dapat ito ay smooth at walang mga matulis na usli. sa ganitong paraan makaka siguro ka ng walang aberya ang softdrinks na iinumin.

Beware sa Mga Mahilig Uminon ng Mountain Dew: Basahin Niyo ito.

Share
  •  
    Copyright © INFOGRAPIX | Designed by Templateism.com | WPResearcher.com | Blogger Templates