TOP TEN Pamahiin ng mga pinoy para makilala ang soulmates, at nakatakdang mapapangasawa.

1.Gumising ng Alas Dose, at humarap sa salamin, pagkatapos basain ng laway ang hintuturong daliri at isulat ang iyong pangalan sa salamin., Bumalik sa higaan at i check kina umagahan  ang salamin. may nabuo itong moist  at may initials na makikita malapit or katabi mismo ng pangalan. ito ang initial name ng iyong mapapangasawa.

2.Kumain ng tatlong itlog bago matulog, ayon sa kasabihan ng mga taga mountain province, mapapanaginipan mo ang nakatakda mong mapangasawa at ang katuparan ng iyong kapalaran sa pagibig.

3.Magtali ng puting ribbon sa paa ng higaan, haplusin ito tuwing umaga pagkagising, sa loob ng pitong araw may makikilala kang estranghero, o kung hindi man. mag paparamdam sayo ang isang kakilala o matagal ng kaibigan.

4.Maghagis ng barya sa  isang wishing well sa inyong ugar,  maaari din itong gawin sa ilog. at usalin ang kahilingang makapag asawa.

5.Uminom ng gatas na may nakalagay na bato sa baso, kailangang ang bato ay hugis puso.

6.Maligo sa dagat na nakadamit ng kulay puti, tiyakin din na ang pang ilallim ay kulay puti din,-ayon sa kasabihan nakakahatak daw ng malakas na sex appeal at enerhiya ang pamahiing ito, magiging lapitin ka ng mga babae at dadami ang manliligaw, sa panig naman ng lalake. may mga may asawa ang mabibighani sa kanya.

7. Kung may hagdan sa bahay, akyatin ito at huwag apakan ang pangalawang baitang. gayun din  pag bumaba. lampasan ito. ang baitang na nilampasan ay reserbasyong ritwal at paanyaya sa makakaisang dibdib.

8.Samantala kung nais namang ang iyong mapangasawa ay mayaman, tuwing magpupusod ng buhok, magbunok ng isang hibla at ilagay ito sa iyong paboritong mga gamit. (Para lamang ito sa mga babae)   

9.Kakaiba ang susunod na TIP sa mga nais mag ka Syota, maraming kakailanganin pero ito ang pinaniniwalaang pinaka mabisa at epektibo, marami na ang gumawa nito. at usong uso din ito sa bansang malaysia at japan.

Kolektahin ang mga sumusunod  

1.Tuyong dahon ng ubas, (isang piraso lang
2.Dalawang Kulay Berdeng Holen
3.Buhok ng iyong tatay (sa babae)   at buhok ng iyong nanay (sa lalake)
4.Shells ng itlog ng native na manok (kahit isa lang)

Kapag naipon na ito balutin ito ng kulay pulang tela at ilagay sa labas ng pintuan.

10.Ang ating huling tip. ay isa sa pinaka sikat na laging ginagawa. at ito ay paglalagay ng litrato ng napupusuan sa ilalim ng unan. 

Bweno. mga ka info. yan ang ilan lamang sa PINOY TIP natin tungkol sa pagaasawa. kung ikaw ay single hanggang ngayon, pwede o gawin ang isa sa mga nabanggit naTIPS. kung may maidadag dag ka, pwede mo i share gamit ang comments sa ibaba. salamat :) hanggang sa Muli :

Admin:Karla   

SA MGA SINGLES AT HIRAP MAGKA SYOTA, BASAHIN NIYO PO ITO..(admin Karla)

Share
  •  
    Copyright © INFOGRAPIX | Designed by Templateism.com | WPResearcher.com | Blogger Templates