Madami nagsasabi na bias daw ang article na ito dahil yung good side lang ni Marcos at bad side ni Aquino ang mga binangit ko. Hindi ko na po kailangan bangitin dito yung kabaliktaran dahil grade-3 pa lang tinuturo na sa school na masama si Marcos at mabuti si Aquino. At gustohin ko man, ay wala talaga akong maisip na nagawang proyekto ni Aquino na nakabuti sa bayan. Tila mas madami pa nga siguro ang ginawa nyang nakasama sa bansa natin katulad ng mga sumusunod: 

• Pagbago ni Cory sa Philippines constitution na kung saan nililimitahan nito ang mga foreign investor na magmayari ng mahigit 40% sa isang negosyo. Dahil dito daang daang kompanya sa bansa natin ang nagsara at madami ang nawalan ng trabaho. Natakot ang karamihan sa mga foreign investor dahil hindi sila pwedeng maging majority share holder sa isang kompanya, dapat palagi may ka sosyong Filipino na syang magmamayari ng mahigit 60% ng kumpanya. Sa ngayon tayo na lang sa silangan Asya ang may ganitong policy na pumipigil sa pagpasok ng mga investors na maglilikha ng madaming trabaho sa bansa natin. Sa Singapore nga, pwedeng mag mayari ang mga foreign investor up to 100% kaya sobra sobra para sa bansa nila ang mga job vacancies na pati tayong mga Filipino ay nakikinabang dito.
 
 • Pagbago ni Cory sa Philippines constitution na kung saan inaalis ang Sabah sa territoryo ng pilipinas.
 
• Pagsasabatas ng contractual employee na nagpapahirap hangang ngayon sa ating mga kababayan na magkaroon na regular na trabaho. 

• Pagsasabatas ng VAT or value added tax na lalong nagpamahal sa presyo ng mga produkto dito sa bansa natin.
 
 • Pagbigay ng ibang kompanya pagaari ng gobyerno sa mga kaalyado sa pulitika katulad ng Meralco at ABS CBN. • Pagbenta sa mababang halaga ng mga kompanya pagaari ng gobyerno sa mga kamaganak katulad ng PLDT, Petron, PNOC, Nawasa at PAL na pinakamalaking airline noon sa asya. 

Tanging ang mga negosyante lang ang lubos na nakinabang sa mga batas na ito ni Cory kaya nais ko din talagang malaman kung ano nga ba ang mga nagawang proyekto ni Aquino na nakatulong sa ating mga kababayan. Kung sa pagiging bias lang po, wala na sigurong papantay sa dilaw na gobyerno at media natin na puro kasamaan lang ni Marcos ang binabalita, di man lang binabalita yung tungkol sa Mendiola massacre, Lupao massacre at Hacienda Luisita massacre. 

Pinalitan pa nila lahat ng text books sa school at pinagbawal lahat ng babasahin na nagbabangit ng kabutihang nagawa ni Marcos at baluktot na pamamalakad ni Cory katulad ng aklat na Greed & Betrayal na pinagbawal sa National Bookstore.

Eto ba ang tinatawag nilang malalayang pamamahayag na kung saan ang kaalyado sa pulitika ay pilit na pinagtatakpan at ang kalaban ay patuloy na sinisiraan. Pasalamat tayo sa makabagong teknolohiya tulad ng facebook o internet at unti-unti nating natutuklasan ang katotohanan. 

Pero walang ibang higit na makapaglalahad ng tunay nating kasaysayan kundi ang mga nakasaksi sa mga pangyayari noon. Itanong po natin sa ating mga lolo at lola kung ano nga ba ang buhay noong panahon ni Marcos at panahon ni Cory. 
 
1. Base sa aking pananaliksik at pagaanalisa eto po ang masasabi ko tungkol sa Martial Law sa ating bansa. Majority po ng mga mambabatas natin noong 1972 ay pabor sa pagdedeklara ng Martial Law. Sila ang nagkunbinse kay Pangulong Marcos na ipatupad ang batas na ito dahil sa talamak na kaguluhan sa panahong iyon at tanging ang pangulo lamang ang may kapangyarihan ipatupad ito. Laganap ang pagpapalawak ng komunismo sa panahong yon na lumikha ng madaming civil war sa ibat ibang panig ng mundo. 

Madami ang napaniwala ng media na si Aquino daw ang nagpalaya sa ating bansa sa Martial Law. 1965-1986 nanungkulan si Marcos bilang pangulo at sa loob ng 8 taon (1972-1981), napasailalim sa Martial Law ang ating bansa. 1981 pa lang wala ng Martial Law so bakit sinasabi ng media na utang natin ang ating kalayaan sa Matial Law sa mga Aquino. Matapos mahuli at makulong ang mga lider ng CPP-NPA na sina Joma Sison, Bernabe Buscayno, Victor Corpuz at Ninoy Aquino, napilay na ang rebelyon ng mga komunista kaya inalis na ni Marcos ang Martial Law.

 Nung bata pa ako akala ko kaya madami sumasapi sa NPA ay dahil sa inaapi sila ng gobyerno, yun din kasi yung mga pinapalabas noon sa mga pelikula tungkol sa NPA na inaapi sila. Ng lumawak na ang kaalaman ko tungkol sa komunismo masasabi ko na hindi ito tungkol sa poverty or oppression, ito ay isang idealismo tulad ng Marxism, Leninism at Maoism. 

Napigilan ng Martial Law ang paglaki ng bilang ng mga NPA, nahirapan sila mag recruit ng mga myembro dahil sa mahigpit na pagbabantay ng mga sundalo. Hinuhuli lahat na pinaghihinalaan nakikipagtulungan sa rebelde at ito yung sinasabi nilang human rights violation.
 
Kung ang isang bansa ay nasa gyera o state of rebellion, sa palagay nyo nararapat bang pabayaan lang ng gobyerno ang mga aktibista at media na pumapanig o nagbibigay ng simpatya sa mga rebelde? Kung hindi pinatigil ng gobyerno ang ganitong mga aktibidad, dadami ang sasapi sa NPA at magkakaroon tayo ng madugong civil war. 

Buti nga dito sa atin hinuhuli lang, sa Korea, Vietnam at Cambodia noon pinapatay agad nila ang mga nakikisimpatya sa kalaban. Pasalamat tayo at hindi hinayaan ni Marcos na magkaroon dito sa ating bansa ng isang tulad ni Polpot, Ho Chi Minh at Kim II-sung na milyong milyon tao ang mga pinatay. Sa Singapore nga meron silang Anti-Lee Kuan Yew Law na di ka pwede magsalita ng masama laban sa kanya pero dito sa bansa natin, kahit nasa state of rebellion na nga, gusto pa nila magrally at magpahayag laban sa gobyerno na lalong makakapaghikayat sa mga tao na sumapi noon sa NPA.

Tapos paghinuli ng mga sundalo human rights violation. So sino sa tingin nyo ang nagbigay sa inyo ng totoong kalayaan? 
 
 2. Noon madaming pagaaring negosyo ang gobyerno ng bansa natin katulad ng mga Power Plants, Meralco, NAPOCOR, PLDT, PNOC, Petron, NAWASA, MWSS, LWUA, TV stations, PNR, LRT, SLEX, NLEX, BNPP at Philippine Airlines na noon ay pinakamalaking airlines sa Asia. 

Sa mga income generating projects na katulad nito nanggagaling ang halos lahat ng panggastos ng gobyerno noon at kahit gaano pa kalaki ang utangin natin sa World Bank ay tiyak mababayaran natin dahil may sariling income ito. 

Pero ngayon ultimo mga public schools at hospitals ay isinasapribado na. Parang inutil na ang ating gobyerno na umaasa na lang sa TAX ng taong bayan. Di pa nakuntento gumawa pa ng batas na VAT na nagpamahal sa mga produkto at nasundan pa ito ng EVAT na lalong nagpahirap sa mga mamamayan. 

Parang si Juan Tamad na nakahiga at naghihintay na lang malaglag ang bayabas sa bibig nya. Isipin nyo na lang yung mga sumasahod ng 20k pataas ay parehas lang kay Henry Sy ang percentage ng income TAX na binabayaran. Ang masama pa, ang TAX na pinagpawisan ng ating mga kababayan ay kukurakotin lang ng mga pulitiko. 

 3. Halos lahat ng mga pumpublikong hospital at eskwelahan ay si Marcos ang nagpagawa ni wala man lang naipatayo yung mga sumunod na presidente natin. Noon wala kang babayarang tuition fee sa mga public schools at may ipinamimigay pang nutribun, trigo at gatas sa mga magaaral kaya kahit wala kang baon ay ayus lang. 

Pero di man lang natin nagawang pasalamatan ang taong naging daan para makapagtapos ang karamihan sa ating mga kababayan ng pagaaral bagkus ang isinukli pa natin ay pangaalipusta at panghahamak sa kanyang pagkatao. Ang media natin ang nagpasama kay pangulong Marcos at yung mga rebeldeng NPA pa tuloy ang pinalabas nila na mga bayani ng ating bansa dahil sila ang lumaban sa Martial Law. 

Kabaliktaran ang mga pinapahayag nila dahil wala sana martial law kung walang NPA. Isipin mo 10,000 human rights victim daw na halos lahat ay myembro ng komunismo. Isa pa yung ininterview sa TV na si Dr. Leloy Claudio na pinapalabas na si Marcos daw ang pangunahing recuiter ng NPA. Sukdulan na ang pangloloko ng media sa mga mamamayang pilipino. 

Ang mga Marcos kasi ang tunay na majority share holders ng ABS CBN at GMA kaya pilit nilang pinapasama dahil natatakot silang mabawi ito ng mga Marcos pag nakabalik ito sa Malacañang. 4. Noong naging presidente si Cory pinapalitan nya lahat ng mga text books sa school at ipinagbawal nya sa mga bookstores at libary ang mga aklat o babasahin na nagbabangit ng mga kabutihang nagawa ni Marcos o masamang nagawa ng mga Cojuangco at Aquino katulad ng librong Greed & Betrayal, mga testimonial at aklat nila Victor Corpuz, Salavador Laurel, Kit Tatad , Jovito Salonga at madami pang iba. 

Noong 1986, lahat ng TV stations at mga pahayagan ay muling hinawakan ng mga mayayamang negosyante nasagasaan ni Marcos ng buwagin nya ang oligarkiya sa bansa natin. 

Lahat ng klaseng paninira sa mga Marcos ay ginawa nila at yung mga mamamahayag na nagbabalita ng totoo ay pinapatahimik nila kaya mula noon magpasahangang ngayon puro negative ang balita tungkol sa mga Marcos at puro papuri naman sa mga Aquino. 

Napakamakapangyarihan ng pamilyang Aquino, Cojuanco at Lopez na napapasunod nila halos lahat ng mga negosyante sa bansa natin. Ang mga oligarch na to ang tunay na nagpapatakbo sa bansa natin dahil kayang kaya nilang paglaruan at papaniwalain ang taong bayan sa kanilang mga kasinungalingan.

Kayang kaya nilang pagtakpan ang mga kapalpakan at katiwalian ng kanilang mga kakampi katulad na lang ng mga karahasan nagawa nila sa mga walang kalaban laban magsasaka na minassaccre nila sa Mendiola, Lupao at Hacienda Luisita. Hindi man lang ito nababalita samantalang ang tungkol sa martial law ay halos araw araw. 

Di nga yata alam ng mga kabataan ngayon na sa panunungkulan ni Cory nagkaroon ng anim na sunod sunod na madugong coup d'etat. Ayaw ba nila malaman ang dahilan kung bakit nagkaroon ng coup d'etat? Nagtayo pa ang mga kamaganak ni Cory ng SWS at Pulse Asia survey para mapagtakpan ang kapalpakan ng pamamalakad nila sa pamamagitan ng kunyari mataas na approval rating. 

 Magaling din sila umembento ng mga balita para pagtakpan ang kanilang kawalangyaan katulad ng pagbigay ni Cory ng libre sa mga Lopez ng ABS CBN at Meralco na noon ay pagaari ng gobyerno. Gumawa pa sila ng pelikulang pinamagatng Eskapo para papaniwalain ang taong bayan na napwersa sila na ibenta sa gobyerno ang Meralco.

Pero nung 2002 linabas ni Enrile sa senado ang mga ebidensya na sila ang humingi ng pabor kay Marcos na bilhin ang naluluging kompanya nila kaya naman mahahalata nyo na sa halos 40 yrs nilang hinawakan to ay bigla na lang binenta kay MVP at Ramon Ang, para di sila masira sa publiko. Isang patunay na napakamakapangyarihan ng Oligarkiya sa bansa natin ay kahit presidente kaya nilang pabagsakin di lang si Marcos, pati si Erap sila din ang sumira. 

Tulad ni Marcos na matalik din kaibigan si Enrile at pinsan si Ramos ay nagawang ligawan ng mga Oligarch para kalabanin sya. Ganun din ang sinapit ni Erap mismong matalik nyang kaibigan ang kinasangkapan din ng mga oligarch para pabagsakin sya. 

Ni wala man lang na sapat na ebidensya ay nagawang pababain sa pwesto si Erap sa pamamagitan ng rule of mob na inudyukan ng media. Pati si GMA ay pinagkaisahan din ng mga oligarch ng hindi na nila kayang makontrol. Nang subukan mang himasok ng gobyerno noon sa kaso ng Hacienda Luisita massaccre biglang lumabas ang Hello Garci issue at natabonan na ang massaccre case. Si Marcos lang ang nakagawang mabuwag ang oligarkiya sa bansa natin kaya naman abot abot ang pangyuyurak nila sa pagkatao ni Marcos magpasahangang ngayon. Sasabihin 

pa nila tumataas daw ang GDP ng bansa natin pero di man lang binangit kung paano ang distribusyon nito. 35% ng GDP ay napupunta sa gobyerno sa pamamagitan ng TAX, EVAT at mga public fees, yung 25% napupunta sa mga oligarchs katulad nila Henry Sy, Ayala, Tan, Lopez at Cojuanco, yung 10% sa mga mayayaman, 20% sa middle class at yung 10% ay sa mga mahihirap. Isipin nyo 90% of 110 million total population ng Pilipinas ay binubuo ng middle class at mga mahihirap tapos bale 30% lang ng GDP ang share nila, samantalang yung mga oligarch wala pang 50 thousand ang estimated numbers ay 25% ang share sa GDP. Wag po sana tayo magpalinlang sa mga binabalita nila dahil tanging ang mga oligarchs at mga mayayaman lang ang lubos na nakikinabang.

Ang pinakamalaking tanong dito ay kung paano napawalang sala si Marcos sa international court at sa 900+ na kaso isinampa sa kanya ng gobyerno. Tiyak na alam ito ng media pero bakit ayaw nilang ibalita? Ayaw ba nilang malaman ng mga mamamayang pilipino kung paano idenepensa ng mga Marcos ang kaso? Ayaw ba nilang malaman ng taong bayan na wala naman talagang ninakaw ang mga Marcos?  Yung mga bumabatikos sa thesis ko dahil lang sa ang ilan sa mga reference ko ay galing daw sa blog ay eto po ang dahilan.

Walang sinuman sa mga mamamayahag natin ngayon ang may lakas ng loob na lantarang magbabalita ng totoong pagkatao ng mga Aquino. Walang TV stations or Newspaper na susuporta sa mga tulad ko naghahangad ng katotohanan kaya sa pamamagitan na lang ng BLOG nila inilalahad ang totoong mga pangyayari.

Buti nga meron ng internet at facebook ngayon, dahil eto lang ang hindi hawak o kontrolado ng mga oligarch kaya unti unti ng lumalabas ang katotohanan. Hinihikayat ko din ang ibang tulad kong kabataan na gumawa din ng thesis na kagaya nito para maitama natin ang maling kasaysayan na nakalagay sa ating mga text books.
 

FIVE SHOCKING THINGS YOU NEED TO KNOW ABOUT AQUINO ADMINISTRATION

Share
  •  
    Copyright © INFOGRAPIX | Designed by Templateism.com | WPResearcher.com | Blogger Templates