1.PINAKA MABISANG GAYUMA: Bilog Bilugin at ipahid sa mukha ng crush mong chicks sa school! VOILA! siguradong instant habulin ka! huwag ka lang papahuli, dahil malamang.. tae mo lang ang walang latay!

2. MAGANDANG PAMATAY ORAS: Pampalipas, kunyari Break Time,  or naiinip ka na sapag hihintay. simple lang ang STEPS: Pwistu! upo! , open your mouth, tingin ng konti sa kisame.. AYOS!!

3.GAMOT SA KABAG: Ayon sa teorya, at sa ilang mga naka subok na neto, pinaka mabisa kapag ito ay mamasa masa, yung medyo parang uhog lang ang texture, milky at madulas. :(  punong puno daw ito ng protina  , YES MY FRIEND!  10 times stronger sa bitamina nang malunggay at 40x cheaper sa gamot na DULCOLAX,, aws! tipd noh?

4.ALAM NIYO BA?: Ang Pangungulangot ay isa sa pinaka maraming bagay na  nagagawa ng tao sa loob ng mag hapon, kesa sa pag bahing. sa loob ng  isang araw. 2-5 times tayong nangungulangot, biruin mo nun? ibig sabihin 1,805  times sa loob ng isang taon at kung  aabot ka ng 70 years, nasa 122,740 kang nangulangot! katumbas ito ng sampung kilong Kamote! WOW! ang daming kulangot nyun tsong!

5.ETO MATINDI!: Mabubuhay ang 92 % population ng bansang amerika  kahit walang facebook, twitter, at instagram!  pero dito sa Pilpipinas,  68% ay tiyak na mabobored,  at kung ikakabit nating ang pangungulangot sa pag facebook,  27% ang napatunayan na may potensiyal na maging genius kapag nangungulangot habang nag pe facebook. (Op op opss!) alam ko na yang binabalak mu! huwag ka nang sumundot!

6.ALAM NIYO BA?: Makakabuo ka ng perfect circle gamit ang kulangot, gamit ang eksaktong portion, hulma at tigas nito,ang diameter ng kulangot ay 100% parehas na parehas at eksaktong mag kasing sukat sa mga buto ng bayabas.


7. SA NORTH POLE: Kapag may  sipon ka at suminga, pag bagsak sa lupa, agad itong ma co convert sa kulangot, ganun ka tindi dre ang lamig dun!  yan ay ayon sa eksperimentong ginawa, sampung lalake ang sabay sabay daw na nagsuntukan, ayon sa alamat at parang mga engot na nag tawanan pag katapos, hanggang sa mabahing  at sipunin, dito nag umpisa ang tinawag nilang NORTH POLE RIOT MOTHS, na ginagawa sa mga liblib ng bayan tuwing buwan ng oktubre, naka gawian na nilang gawing paligsahan ito taon taon, ayon sa isang article ang mananalo ay mabibigyan ng pag kakataong pumili ng dalawang mapapangasawa.

8.ALAM BA NIYO KUNG ANO ANG LASA NG KULANGOT?: Sa maniwala ka at sa hindi,  100% na alam ng lahat ang lasa nito,  nakaka pag taka ano? ibig sabihin,  ang curiosity level natin ay mas mataas kaysa sa takot natin  maaring panganib ng pag tikim nito. Ayon sa datos, 98 0ut of 100 ay kabisado ang taste ng kulangot, may substance ito na tinatawag na salty acid, isang uri ng compound na  na nag papa alat sa isang mikrobyo na na filter sa nosetrill  ng ating ilong, maalat alat na maasim asim! yan ang lasa ng kulangot!

9. ALAM NIYO BA?: Nasa  8 Billion na ang tao sa mundo, as of january 2015, at kung sabay sabay tayong mangungulangot at kokolektahin ang mga ito at iipunin sa isang lugar, makakagawa tayo ng isang bundok ng kulangot dump site na kasing taas  ng bundok ng mount everest! kaya din nitong pigilan ang agos ng tubig ang  pinaka malaking dam sa buong mundo, Pinapatunayan na  kahit maliit ang kulangot kaya nitong gawin ang mga bagay na imposible bastat sama sama tayo. its called " IN KULANGOT LET's HAVE UNITY"

10. SPEAKING OF UNITY: Balak ng United Nations na mag lunsad ng  KULANGOT DAY! OHA! isang  buong araw na wala tayong ibang gagawin kundi mangulangot, :( hanggang maging square root of 52 ang butas ng mga ilong natin, one to sawa trip tsong!  good News dahil ang pondong malilikom ay gagamitin sa pag papa bakuna laban sa sakit na hadhad, alipunga, putok, at bad Breath!

** Ang mga lumabas na impormasyon sa entry na ito, ay mula sa pinag sama samang walang kwentang balita na nakalap natin sa ibat ibang walls ng social media, ang ilan ay mula sa resulta ng mali maling spelling  na keywords sa google, at ang ilan naman ay epekto ng kalasingan ng sumulat habang nangungulangot sa harap ng facebook** 
Anumang motibo, aksyon, at resulta ng pagiging viral nito ay hindi namin sinasadya, malaya mo itong i share at pwede ding mag iwan ng komento kung may nais kang ibahaging kaalaman about sa kulangot,  Maraming salamat! at lubusin na natin! hala sige! sabay sabay na nating ipasok, sundot sundotin at bilug bilogin ang mahiwagang Kulangot!*****

TRENDING: 10 THINGS YOU NEED TO KNOW ABOUT YOUR ''KULANGOT''

Share
  •  
    Copyright © INFOGRAPIX | Designed by Templateism.com | WPResearcher.com | Blogger Templates