Ang event po  na ito ay Totoong nangyari sa dalawang magkaibang petsa. Hindi ko na babanggitin yung actual date, to preserve this story , dahil mababasa pa rin ito for the next decade, at para hindi mag mukhang luma yung kwento. anyway. everytime this even can possibly happen to anyone, regardless of  who you are, at kung saan ka mang dako ng Pilipinas.
<

Yung unang transactions ko ay na deposit sa BDO
4500, pesos bayad ito ng 3 modem. isang smartbro at dalawang wimax order ko ito sa ginamit niyang pangalan na BRYAN GARCIA nasan ka man ngayon, kung sino ka man, gusto kong iparating sayo na  hindi ako galit, salamat pa rin, dahil naging bahagi at aral ka sa mga susunod kong mga pagdedesisyon lalo na sa ukol sa pag titiwala lalo na kung ang business ay sa online ginagawa

Ang sumunod na transaksiyon ko Offline naman, umaga ito
at mismong nangyari sa store ko. may mama na lumapit,
mukhang disente naman at mabait, tinanong niya sakin kung nag lo load wallet ako sabi ko ; 'hindi po sir" retailer lang yung sim ko



after dt may inalok siya, baka daw gusto ko bilhin yung simcard retailer niya kelangang kelangan niya  daw kasi ng pera, at i ba bargain niya na lang daw ito dahil hindi niya naman na nito magagamit,

pang medical daw niya at in 2 weeks aalis na xa papuntang Dubai mukha namang  nagsasabi ng totoo, pero diskumpiyado ako tinanong ko muna kung anong retailer sim yun, at GLOBE RETAILER nga daw ito, may laman na 11,250 (ang laki ng karga) diskumpiyado pa rin ako,

Patingin nga kuya,,,

 at sinalpak ko yung sim sa cellphone reloader namin sa store
nag balance inquiry sa check stocks ,BOOM!!
totoo nga! may 11k pa itong laman

sinubukan kong mag send (CHECK) naka pag send
na receive ng manugang ko yung test LOAD na ginawa ko,
sinubukan ko ding mag misscoll at mag receive ng text (CHECK din)

to cut the story short, NAKUMBINSI AKO,
magkano ko nabili yung simcard?
5,000 pesos lang!!!!
pumayag si manong, ok lang daw, kc kelangan niya daw talaga na ng pera. at
tutal matagal pa bago maging pera nga naman ang 11k na karga ng retailer
na binebenta  ayun! pag ka abot ko ng 5k. dali daling nawala ang hayup!
sinundan ko ng tingin, pero mabilis talaga,

dito na ako kinabahan, (sana hindi totoo ang kutob ko)
dahil pag nag kataon yung time span ng unang pag ka scam ko at kung ma scam
nanaman ako today. sobra na yata ako sa katangahan, fresh na fresh na na scam ako at
eto nanaman ang bwena mano ng abril sakin? abah, hindi naman ako charity noh!
ang hirap kumita ng pera, halos mag kandaduling ako sa pag oonline
at pag karyir sa blogging.puyat at hindi birong oras at tutok ang ginagawa ko

ok naman yung sim card the whole morning, lunch  at bandang 2pm  na ng hapon eto na partner!!

sinasabi ko na nga ba! sabi ng kumander ko , na kung nakakamatay lang ang tingin
malamang sa bagsik ng pagkaka titig sakin ni misis, malamang bumulagta na ako.



haisstt!! naman!! $^#@$#!*%(^**^P*^&%&%%^#^(P^*&!!!!!
anak ng teteng! mukhang nagoyo nanaman ako!! hu hu hu!
pag load ko sa mga susunod na customer ko, nag failed at hindi na daw
registered agent ang sim card na ginagamit ko
patay ako neto! yung 5k pa mandin pang full paid ko kay  Mr.  'BABA'

Action 5 ang Nangyari! tumawag ako sa 211! sa globe customer care. redirect
sa 2629 + redirect sa 1800-8739-8168 ang star amazing na hotline ng AUTOLOADMAX
. ayun! hindi ma trace yung number, according sa CSR hindi na daw ito na ka register
na retailer kundi 'PREPAID' na lamang daw ito. WHAT????


Panu nangyari yun?

Para akong tameme na pinukpok na kuhol
sapul na sapul ako ng mga simangot ng asawa ko,
yung mukha hindi maipinta, para akong kakainin ng buhay! :(

inay kupo!!!

delikado ako ngayong araw na ito, pag uwi namin mamaya sa bahay sigurado ako
sermon at katakot  takot na bunganga ang kakaharapin ko,

para makatakas sa nanggagalaiti kong misis,
nilakad ko ang dapat lakarin, pumunta ako sa nearest GLOBE STORE namin

anak ng pating! hanep!

wagas yung pila sa GLOBE, parang enrollenment sa school
pero no choice, kelangan kong malaman ang punot dulo ng LAHAT!

....
..
After 1042....1043...1044....Bakit ba ang tagal tagal makipag usap ang mga ito?
sa cashier? nag papa cute pa kc! eto namang teller, nananadya pa ata. pinatatagal
ang transaksyon kainis!
Tagal,,, mag gagabi na.. wala mag co close sa store,,
..
1045... hay~ salamat, isa na lang,ako na ang susunod :)

1046! dingdong!

umayos ako ng upo, WOW! mas maganda pala talaga sa malapitan ang cashier
ng Globe Solano, naka brace, at kung wala pa akong asawa, liligawan ko ito at
hindi ako titigil hanggat hindi ko nakakamit ang matamis niyang oo.:)

nag eexplain xa, wala na akong pake. kahit mala regine velasques ang boses niya.
nag sink in sa utak ko ang 5,000 na tinangay sa akin ng seller, ng Retailer sim
at, biglang nag register sa brain ko ang naniningkit na mga mata ng asawa ko.

seryoso akong nakikinig kay ateng,
"sir...ako po ang nagtransact kaninang umaga sa Report sa Retailer Sim na ito
eto po ay pag mamay ari ng isang pharmacy , malapit po dito, "

pinakita sa kin yung mga dokumento
nag match! yung retailer sim na nireport na Ninakaw at yung SIM na nabili ko!
lintek! naloko nah! panu na po yan madam?

parang wa epek ang sitwasyon ko, kunsabagay, kasalan ko din naman. napaka  engot
ko at madaling nag tiwala,

ayun, ibinigay naman sakin nung CSR yung contact number ng pharmacy
para mapuntahan ko, kinuha ko ito, lumabas ng globe store solano na disappointed
hawak ang bond paper na pinag sulatan ko ng contact number ng may ari ng 'Mega Generics'

Madali ko lang nahanap yung store, sa highway lang at malapit sa chowking.
CONFIRMED! partner! sa kanya nga yung SIM CARD, at malas ko, Pi na Block niya
agad ito at naretrive nya naman agad yung dating karga ng simcard.
Napag alaman ko , na isang lalake daw ang lumapit sa kanya at bumili, ewan kung ano pa
ang other transactions, nalingat daw siya at later na discover niya na wala na ang kanyang
cellphone na pinang lo load,

Umuwi na lang ako, pasado 6 pm na. ginabi na ako sa daan,
mag isang nag close ang misis ko sa store namin, naabutan ko pa naman siya nag sasarado, naka baba na lahat ng mga paninda namin.

medyo malumanay na ang tono niya, nahimigan ko ito ng pag aalala malumanay, punong puno ng pang unawa, at pag papatawad. sa kabila ng lungkot sa katotohanan na nalugi kami ng 5,000 ng araw na iyon tahimik lang ako, alam niya nag iisip ako, at dama niya sa kabila ng malalalim kong paghugot ng hinga, isang bagay ang tahimik na bumalot sa kabaitan ko. bilang isang tao.

natutunan ko ng araw na iyon, ang aktuwal na halaga ng perang pinagpaguran ko,
na kinuha at inagaw ng mga taong masasama.

Mga taong handang magnakaw para kumita ng pera, manloko ng kapwa
manlamang, mandaya, ano pa kaya ang kayang gawin ng mga taong ito?
pumatay? para mabuhay?
dungisan ang kanilang pagkatao at mga kamay para magkalaman ang sikmura?

bakit may mga taong ganito?
pero isang bagay ang nagmulat sa akin sa katotohan ng mundong ito,


oo. minsan, kelangan mong magbuwis ng halaga para matuto, may katumbas na halaga
ang pag unlad ng tao. at nalaman ko, minsan kelangan mo na palang gumasto para lang matuto
para masaktan, para magising. na minsan ang tiwala at kabaitan ay nauubos. lalo
na kung paulit ulit itong kinuha sayo, parang nakaka pagod magbilang, nakaka suyang
mag tiwala.

nakaka iritang magpatawad!


naisip ko ng mga sandaling yun,.
pauwi na kami ng asawa ko,
naglalakad palabas ng palengke ng Bayombong
tahimik kami pareho, pakiramdam ko mas nakakabingi ito
pero ok, lang, kailangan ko ito. pansamantala
katahimikan saglit, para sa naghihimagsik kong kalooban
bakit may mga taong namumuhay sa gitna ng kadiliman?
walang pag mamahal, at napakalamig ang buhay?
puno ng pandaraya at mga gawaing liko at wala sa katuwiran


"Hon,.. hayaan mo na. Parte ng buhay yan.. '
marami pa naman darating ang importante,, hindi ka nila katulad,"

nasa gate na kami ng bahay, ng marinig ko ito sa aking asawa, napakatamis pakinggan. nakaka pag pahinahon sa nagugulo ko nang mga
ulap sa aking utak.

bago ako, pumasok ng bahay, humugot ako ng isang malalim na paghinga at pinakawalan ito . "Tanda ng isang pagpapalaya."
sa isang dilim na bahagi ng aking puso, na nabuhay sa araw na iyon muntik na akong  mapuno ng galit at mawalan ng tiwala sa kapwa. muntik na akong tangayin ng aking pag ka lugi

pero salamat. dahil saksi ako sa aking sarili, hindi iisa ang mukha ng tao, hindi pare pareho ang kulay at anyo ng mga dugo
nito.

oo, ang tao ay may likas na kadiliman, ang lahat ay may itinatagong kasamaan, at katusuhan dahil dito, tayo ay hindi naging perpekto, at ito ang kahayagan ng ating pagiging tao mahina, at hindi ganap. at kung minsan hindi sapat at kulang sa paninindigan para  mamuhay sa liwanag ng katotohan.

Para sa mga Taong Lumaya sa bahaging ito,
mapalad ka..


dahil nakikita mo ang dalisay na puso ng iyong kapwa, sa kabila ng kabangisan nito.
Nakakaunawa ka sa kahinaan at karupukan ng mga taong hindi piniling maging masama
TAyo ay Biktima ng mapaglarong Mundo
Saan ka man huhusga...

ang Buhay ay Magpapatuloy..kasama ang takot, kaguluhan at mga sumpa nito.
at magiging maganda lamang ito, kung ang lahat ay matututong magmahal at magpatawad sa naging pagkakamali ng bawat isa,


Malalim na ang gabi,,
pero malayo pa ang umaga..

"HON,.. Matulog ka na! baka ma scam ka nanaman!"


....
sa ibang panig ng mundo

..

Patay na ang mga Ilaw, Ang lahat ay tulog na,  may isang kaluluwa na ,mahimbing ang tulog, maagang babangon bukas, para hanapin ang susunod na bibili sa i aalok na Retailer SIMCARD!

(END)

VIRAL : BASE ON REAL EVENT, THE GLOBE SIMCARD SCAM STORY

Share
  •  
    Copyright © INFOGRAPIX | Designed by Templateism.com | WPResearcher.com | Blogger Templates