Nasa dugo na ng tao ang pagiging masaliksik. Yung tipong halos lahat ng mga nakapaligid sa kanya ay gusto niyang usisain, alamin at pakielaman.Gagawa ng problema tapos hahanapan ng solusyon o kasagutan. Parang gago lang. Pwedeng sa paraan ng scientific method o isang simpleng obserbasyon lang. Parang isang taong curious sa amoy ng kanyang utot tapos kinulong  ang masamang hangin sa kanyang palad saka inamoy. Hanggang sa nagusutuhan at inulit-ulit pa. Gago nga.

Halimbawa, ano ang basic unit of life?siyempre madali na itong sagutin kase ang sagot sa tanong na ito ay isa na lamang ipinasang impormasyon na nasusulat sa mga libro o sinabi ng teacher mo. May mga tanong din na mukhang simple pero tila walang tumpak na kasagutan gaya ng 'bakit biyernes lang nag seserve ng monggo?' O di kaya yung 'masarap nga kaya ang mag-adik?' Meron din akong personal na tanong gaya ng 'Bakit parang gusto kong maglaslas mg pulso kapag naririnig ko ang mga kanta ni J. Bieber?' at totoo bang masarap at masayang paiyakin ang mga emo?'

Bakit nga ba hindi matapos tapos ang pagkalap natin ng karunungan, ng mga kasagutan? Alam niyo ba na bilyon-bilyong piso ang inilalaan ng gobyerno para sa research and development. At nung 1960s, gumastos ang Estados Unidos ng 2 billion USD para sa isang bolpen lang. Anong meron kaya 'yan? Para sa iyong impormasyon, ang proyektong ito ay isinagawa noong panahong ang Soviet Union at Estados Unidos ay nagpapataasan ng ihi sa larangan ng Space Aeronotics. Ganito yung istorya,

Problemado si Uncle Sam kung ano ang dadalhing panulat ng mga astronauts sa outer space.So ang ginawa nila, nagdevelop sila ng isang pen na pwedeng dalhin sa kalawakan.

Bakit hindi na lang ordinaryong Panda? ano kaya kulang  at wala sa Pilot? at ano naman kaya meron sa bolpen na mas mahal pa sa anual national budget ng isang third world country?

Ayon sa mga developer ng Space Pen (AKA Zero Gravity Pen), ang dapat daw na pen para sa space ay yung bolpen na pwedeng isulat kahit anong direksiyon o angulo- nakatuwad, nakaliyad, nakahiga, nakadapa, nakabaliktad, in short yung hindi apektado ng zero gravity. Dapat din daw. hindi natutuyo yung ink kapag nasa outer space kaya pressurized cartridge yung ginamit.

yung kaya ring mag resist sa pagbabago ng pressure at extreme temperature so malamang kapaki pakinabang 'to kahit sa impiyerno. Yan kaya ang gagamitin natin kapag mag reregister na tayo bago pumasok sa impyerno? kaya rind dapat sumulat nito sa kahit anong surface-metal, papel, kahoy, plastic, basa man o malangis ang pag susulatan. at ang balita kaya raw tumagal ng pen na yan  ng humigit kumulang isang dang taon kahit gamitin mo sa regular na paraan.Marami nga pala nito sa divisoria, nakabili ako ng isang tali 20 piraso laman sa halagang singkwenta lang.

Pero ang Tanong, sa  kabila ng tagumpay natin sa larangan ng teknolohiya at modernisasyon, nasaan na nga ba tayo bilang tunay na tao? Ano ang saysay ng mga makina kung napaka babaw pa rin ng depenisyon natin ng pag-ibig? Anong halaga ng kaalaman natin sa atom kung marami pa ring walang tahanan at nagugutom? Anong halaga ng talino kung hindi naman kapatid ang tingin mo sa kapwa mo? Kaya nga nating mag padala ng tao sa buwan, ang dami naman natin conflicts at giyera.Ang Kapal nga ng utak mo,kapiraso naman ang puso mo.

Para saan kung balang araw wala na  tayong matinong lupang lalakaran?

Ang problemasa utak ng tao, kaya nitong tumumaw ng mga sinaunang kampana at ihulma ito sa mga mapanirang kanyong pandigma.

Nasa Dugo ng tao ang pagiging masaliksik. Noon pa man, ganyan na tayo. 'Yan ang dahilan kaya pumalaot sa karagatan noong 16th century ang mga espanyol para maghanap ng mga bagong lupaing sasakupin upang magnakaw este kumuha ng mgs spices at kayamanan.Hindi lingid sa atin na isa tayo sa mga biktima nila. OO biktima hindi lang sa paglamon sa ating sariling kultura sa ngalan daw ng kristiyanismo. Hindi lang ang pagpapaniwala sa atin na sila an dominante't matatalino 
 
at tayo naman ang mga tamad na indiyo. Pesteng social hierarchy. Ang relihiyong hinahati ang mundo at naglagay ng linya sa  pagitan ng superior at inferior ay hangal. Sila dapat ang mga nilalatigo at binigti sa harap ng publiko. Hindi lang nila tayo inalipin at ininsulto, daming kagubatan din ang kanilang kinalbo. Para saan? Para sa pananaliksik at paggawa ng kanilang mga barko. At akala mo ba ngayon natigil na 'to? Ibang mga mukha nga lang, ibang mga kulay nga lang

So Earth, ilang pirasong nuklear ka lang. BANG!

VIRAL: Gumastos ang Estados Unidos ng 2 Billion USD Para sa sa Isang Ballpen Lang? (Read Here)

Share
  •  
    Copyright © INFOGRAPIX | Designed by Templateism.com | WPResearcher.com | Blogger Templates