Naalala mo ba yung gabing namangka tayo sa ilog? nakatingala tayo habang tinitignan natin ang mga kislap ng bituwin sa langit na tila nakapatong lang sa mga bundok. wala tayong paki-alam kung saan man tayo aagusin ng ilog, nakasandal ka sa aking tabi at nakahiga ang iyong ulo sa aking balikat. nagkukwento ka noon tungkol sa iyong nakaraan, noong sampung taon ang nakalipas. sa lalim ng gabi ay nakatulog ka, nanatili akong gising para lang pagmasdan ang iyong mukha at madama ang tibok ng iyong puso. ang hindi mo alam, sa gabi ring iyon kumuha ako ng litrato ng mga bituwin sa langit na ating hinangaan at tinulugan sa ilalim ng kislap nito.

Naalala mo ba yung gabing nasa palayan tayo? pinanonood mo ang mga alitaptap habang pumapalibot ang mga ito sa iyo. nagkukwento ka noon sa mga panahon na ika'y inlab. tahimik akong nakikinig sayo. kadasigundo'y sumusulyap ako sa iyong mga ngiti na iniilawan ng mga insektong iyong hinahangaan. ang hindi mo alam, bumalik ako sa palayang iyon para kumuha ng mga alitaptap at ikinulong ko ang mga ito sa isang maliit na garapon.

Naalala mo ba yung gabing tumugtog ako ng gitara sayo? sinasabi mo sa akin noon yung mga paborito mong kanta at kung paano ka hinihinahon ng tunog ng gitara. sinabi mo rin sa akin na mas maganda kung gagawa ako ng sarili kong kanta at sinabi mong matagal mo nang hinihiling na may gagawa ng kanta na para lang sayo. ang hindi mo alam, pagkauwi ko sa aming bahay ay gumawa ako ng sarili kong kanta sa isang lumang notebook at habang sinusulat ko iyon ay ikaw ang iniisip ko.

Naalala mo ba ung gabing pinanood natin ang ulan? wala ang mga bituwin sa langit at ang mga alitaptap naman ay nagtatago sa mundo, pero hawak ko noon ang aking gitara. sa aking bulsa ay hinugot ko ang garapon na may alitaptap at ang luma at gusot na litrato. ngumiti ka sa akin na may luha sa iyong mata habang binibigay ko ang mga ito sayo. nang sinimulan kong tumugtog ng isang himig sa aking gitara ay niyakap mo ako ng mahigpit at kinanta ko yung sinulat ko habang ang luha mo'y gumagapang sa aking leeg.....at binulong ko sa iyo na noon pa man ay ikaw na ang mahal ko.

VIRAL: HAVE YOU READ THE STORY ''ALITAPTAP AT GITARA''?

Share
  •  
    Copyright © INFOGRAPIX | Designed by Templateism.com | WPResearcher.com | Blogger Templates