Ilang away na ba sa kanto ang nauwi sa saksakan. ilang diskusyon na ba sa barangay ang nauwi sa suntukan, at kung minsan mas   nakakalungkot. umaabot sa malagim na krimen. ang Pag uusap na hindi nakuha sa Mabuting Usapan.

Maganda po ang Script natin  today mga housemates! tungkol sa uri ng bangayan na may kinalaman sa tono ng boses, interesting no?

kunyari, gamitin natin ang pinaka malambing na boses sa ating kulturang pinoy. im not sure kung meron pa pong other culture. mag drop lang kayo ng comment sakaling medyo sumablay ako. anyway. medyo madalas ko na kasi ito mapanuod sa TV aside from the fact na meron akong karanasan sa pakikisalamuha at pakikipag kaibigan sa mga Batangenyo. (xnxa na nag loloko ang alt +164 ko)

ok tuloy natin, kapag nagagalit po ang ang mga ito. parang napaka bait pa din.
ALA Eh! SUSUNTUKIN NA KITA DI-YAN~  akala mo lang nasa tonong nag bibiro, pero, seryoso na pala ito. at talagang makakakita ka ng mag asawang stars na iikot sa ulo mo dahil makaka tikim ka nga talaga ng mag asawang suntok mula kay batangenyo.. 

pero parang ganito matutulad ang  TOPIC natin. na karamihan sampung bahagi  sa buong kabuuan ang hindi pag kaka unawaan ay mas nanggagaling sa 90% na uri ng tono sa pakikipag usap sa taong ka alitan mo.

tignan po natin ang senaryong ito mga housemates.
kunyari nag aaway ang dalawang mag asawa. at ito ang mga dialogues nila.
pero gawin natin ang eksperimento, ang tono na ginamit ni mister at ni misis ay mahinahon. halos kalahati itos sa normal na lakas ng boses nila pag nag uusap,
hindi nalang tayo gagamit ng audio  samples. masyadong hahaba ang buffering ng scripts natin.

Ok.. Lights (ON!)
Camera! (On!)

A-C-T-I-O-N!!

Misis: kasi naman Hon, di ba sabi ko sayo huwag ka nang mag sign Up sa networking na yan? kita mo tuloy. ayan ang napala mo. tinakbuhan kayo ng Lider Niyo.

Mister: Hindi ko naman alam na mag kaka ganito hon.  ang inisip ko lang naman ay kapakanan niyo ng mga bata. gusto ko din naman mabigyan kayo ng magandang buhay. kaya isinugal ko yung pera

Misis: o eh. ano na plano mo ngayon?

Mister: Bahala na! basta! ituloy ko na lang yung bago kong sinalihan. yung SWA. 
Misis: Sumali ka nanaman? hindi ka na nadala?
Mister: Hayaan mo na ako , hon. basta Gagalingan ko.

C-U-T!!

Ang senaryo ay babaguhin natin,,. 
ang eksena ay sa loob ng Kusina, sabay na kumakain ang MAG asawa. ang VOLUME ng boses ay nasa 200%!!!!!!! Dobleng mas MALAKAS sa Normal Na mga Boses Nila

kumbaga sa T.V at stereo , makukulili ang tenga mo kahit ang awiting pinatugtog ay nakaka pag pagana! :) este nakaka Romansa.. ops. mali! anu bah! ano ba yung term na ulit?
ah! yung nakaka RELAX.. ayun.. yun nga! 

Kahit garde 1 ang manonood sa eksenang yan partner, sigurado ako. mag iiyakan ang mga yan . dahil kulang na lang mag basagan ng mukha ang mag asawa. lumalabas na ang ugat sa leeg ni mister at tumatalsik na ang laway ni misis. 

May gana pa kaya silang kumain?

Lesson: Minsan ang uri at sukatan sa matinong usapan ay makikita sa pinaka mahinahong pag uusap, tulad ng digmaaan. ang ingay ng baril ay hindi makakapag pahimbing ng tulog sa isang sundalo. sa kung paanong paraan na ang himig ng gitara naman ay mag papaantok sa mga gerilya at teroristang puyat sa pagbabantay sa bawat ingay ng mundo.

Ang Kapayapan ay tulad ng mahinahong alon ng batis. at ang digmaan ay tulad ng bagyong umuugong sa bubong na yari sa pawid.

Mahina ang sikolohikal na aspeto ng tao upang tanggapin ang rason na ginamitan ng BOMBA at ATOMIKO. kung ganyan kalakas ang tonong gagamitin mo, hindi nakapag tatakang kay hirap abutin ang kapayapaan sa mundo.

Bakit hindi tayo pwedeng mag usap? ng may lambing at pakiusap.
Ang paraang ito, ay isang katunayan. na nasasabik ang bawat isa sa ganitong mga uri ng tono.

10% of Conflicts are Due to difference in opinion, 90% are due to wrong tone of voice

Share
  •  
    Copyright © INFOGRAPIX | Designed by Templateism.com | WPResearcher.com | Blogger Templates