LET ME REINTRODUCE MYSELF May isang Duterte supporter na tahasang sinabi na may image daw akong corrupt dahil abogado ako niNapoles at ito daw ay nagiging handicap sa kampanya ni Duterte kontracorruption. 

Bigla kong naalala na hindi pala lahat ng followers ko ay alam ang kwento ng buhay ko.Kaya, let me introduce myself sa mga late na dumating sa buhay ko at sa mga tamad magbasa ng dating mga post ko. Kung makikilala ninyo ako, alam ko na maiintindihan ninyo ang pinagalingan ko at hind na kayo maging judgmental kasi hindi lahat ng tao ay naging abogado para sa pera.

 Oo, masaya ang datung pero hindi yun ang tanging magpapasaya ng tao.Sanay ako sahirap kaya hindi ako takot kumain ng gallungong ulit. Pero hindi ako sanay sa buhay na walang paninindiganat integridadkahit pa madaming pera ang kapalit. Kasi, hindi kayangbayaran ang gising na hind nakukunsensya. Dahil mahilig ako sa sampu, eto na siya.

1. Ipinanganak ako 9 days after martial law was declared. Broken family kami. Taga Cebu ang nanay ko at taga Davao del Sur angtatay na may lahing Ilocano at Tagalog. Dahil wala ang tatay ko at nag-aaral pa ang nanay ko, iniiwan niya ako samga kapitbahay sa Cherry Mae Apartment.Dun po ako naging biktima ng rape. Not once but twice.Namatay silang dalawa in a span of three months after the attack. Actually thrice pero yung third time hindi ko tinuring na rape kasi sa sobrang lasing ko, hindi ko alam ang details.I WAS RAPED.

2. Alam niyo po pag lalake kasi kayo at biktima kayo ng rape sa murang edad, dalawa lang po ang pwedengmangyari. Una, maging molester ka din. Pangalawa, iba ang coping mechanism ng isang child victim. For starters, nung minomolestya ka, nagugustuhan mo ang nangyayari. Kaya ang dumi ng tingin mo sa sarili mo kasihindi ka biktima sa iyong paningan.Napakabatang haliparot ang tingin ko sa sarili ko kasi gusto ko yung ideya na pinagnanasahan ako. Kasi hindi ako sanay na pinapansin ng mga matatanda kasi mga magulang ko nga ay iniwan kami. Eto lang pala ang paraan para bigyan nila ako ng halaga. Kaya nung simula,pag kinukwento ko ung rape sa akin, dinadaan ko sa biro. Naalala kong naikwento sa isang kaibigan na nung bata ako, dahil sa liit ko, dumugo ako.Sa sobrang takot ko, bumili ako ng napkin at nagkunwaring w nmnghbabae na nireregla. Kaso nabuking na ako ng botica kasi dalawang linggo akong bili ng bili ng napkin. Minsan, nasabihan ko ang rape victim na, “Ano ka ba, rape lang yan. Ligo lang keri na. Buti hindi ka pinatay.” Oo, ginagawa ko na lang biroang rape kasi kung magpapadala ako pagkamuhisa mundo, hindi niyo sana ako kasama ngayon.Ano ang point ko? Lahat ng ginagawang katatawanan ang rape at kamatayan ay hindi masama. Tanungin niyo muna kung biktima sila ng rape nung silay musmos pa lamang. Kasi yung ibang katulad kong biktima, imbes na maghiganti sa tadhana at maging rapist din, pinili kongidaan sa biro kahit nasasaktan ang iba.I AM ALSO THE VICTIM HERE.

3. Kaya nung akoy 15 years old, at nagkaproblema kami sa pera dahil OFW ang nanay ko at nag-coup d’etat na wala na kaming perang makain, napilitan akong pagkakakitaan ang sarili dahilayaw kong humingi ng tulong sa mga relatives ko na mababa ang tingin sa nanay ko dahil siya ang humiwalay sa tatay ko.Nagsimula sa pahingi-hingi ng Curly Tops at Sergs hanggang pera na panawid gutom. Hindi ko sinabi sa pamilya ko hanggang ngayon. And you will ask me,bakit hindi ka na lang humingi? Kasi may pride ako. At lalong hindi ko kayang magnakaw. Sa ganung kalakaran pinagtrabuhuan ko kahit papano ay pawis ang katapat.ISA AKONG KALAPATING WALANG PAKPAK. Ni hindi makalipadkahit mababa

.4. Marunong akong kumantang UP Naming Mahal (yes, in four voices) dahil at one point in my life ay naging Iskolar ng Bayan ako sa UP High School Cebu. Duon sa UP natuto akong lumaban. Hwag magpaapi. Ang oblation nga, dahon lang angnakatakip sa bayag pero confident and with open arms makipaglaban sa kamangmangan, bulag na ideolohiya at paniniwala.May mas magandang bagay ang binigay sa akin ang UP bukod sa diploma, they fostered in me the belief that I will only remain a victim if I allow myself to be. Tinuruan din ako ng UP na ang pagiging Pilipino ay hindi sumpa kundi isang biyaya ng Diyos.I AM A PROUD FILIPINO.Hindi na muling magpapasakop pa.

5. Pero may pinagdadaanan ako sa katawan ko na nagingsanhi ng kalituhan sa sarili koat nadiskubre lang nung nakaraang taon. May Klinefelter’s Syndrome (KS) pala ako. Kaya may nagtataka bakit may KS Chronicles. Ito po ang dahilan. Ang KS ay isang genetic disorder. Ang isang normal na lalake ay XY ang chromosome ay ang babae ay XX. Ako po ay XXXXY ang chromosomes.

 Karamihan ng may kondisyon ko, nakikita agad at nalalagyan ng male hormones para umayos ang kondisyon at hind magiging baog kasi maliit ang kanilang junjun.Sabi ng Diyos, bigyan ako ng junjun na mukhang Janet sa laki para hindi mag-iisip na may sakit ako. Kaya lumaki akong alanganin. “bayuton” o” huyang”. Nagsimula akong lubuan ang suso na parang dalagita. Ubod ng kati ang utong na halos napupunit kong sando na bili ko sa Gaisano South.Naging malambot ang kutis ko, nagmukha akong babae na para bang luto ako sa female hormones. Kaya nuong naghirap na naman ulit kami, hindi ko na hinayaang magkapera ako pero lugmok ang pagkatao sa gutter. Kaya sa paligsahanng pagandahan ako nakipagsapalaran. Dito, nasa entablado ako at tinitingala at msabihin na nating medyo matagumpay ako dun.Oo, I AM A BEAUTY QUEEN

.6. Natapos lang ako sa paligasahang pagandahan nung naging propesyonal na ang kapatid ko. Siya ang nagpaaral sa akin at natapos ako sa kolehiyo. At dahil competitive ako, Magna cum Laude ako nung nagtapos. Naglaw ako sa SanBeda at dahil ang pagiging mukhang babae ko ay magiging balakid sa aking ambisyon, nagsimula akong uminom ng male hormones para magmukhang lalake. Subalit, kung pilitin mo pala ang hindi dapat ay magiging hilaw.Kaya tumaba ako at nagmukhang tomboy. Hindi yung cool lesbian tulad ni Ellen kundi yung tibong mayora ng City Jail. 

Pero sa panahong ito, natutunan ko ang magpapakumbaba. Humility ang turo sa amin saSan Beda. Kaya nung pumasa ako ng Bar at nagingabogado nung 2006, hindi ko kayang magyabang. Alam ng Diyos at ng batch 2005 kung gaano ako kapangit nuon.I AM A LAWYER IN THE LORD’S SERVICE.

7. Binigyan ako ng pagkakataon ni Dean Ulan Sarmiento na magturo at maappoint na Prefect of Students sa San Beda Alabang, School of Law at Professor sa San Beda College of Law sa Mendiola. Naging masaya ang buhay ko dahil nakakasama ko ang mga estudyante at nagbibigay sa akin ng paraanmaisiwalat ang aking saloobin para bigyan sila ng inspirasyon.Hindi po ako perpektong guro. Marami akong kamali-an. Pero ang tanging pinanghahawakan ko, hindi ako kailanman nagkaroon ngugnayang personal sa aking mga estudyante. At madamisa kanila ang pwede kang matukso. Bakit nananatili akong mapagtimpi sa tukso?Kasi mana ako sa lola ko.I AM A TEACHER AND I LOVEWHAT I DO

.8. Paulit-ulit kong sasabihin sa inyo pero hindi ko kailangan magsorry sa inyo dahil naging abogado ako at spokesman ni Napoles. Walaakong dapat ipaliwanag. Ang pinanumpa kong katungkulan bilang abogado ay bigyan ng kaukulang kinatawan ang isang akusadokahil may kasalanan siya sa mata ng nakararami.Bakit? Hindi ko trabaho ang pagiging judgmental. Trababo ng mga huwes yan. Alam ko lang kailangan ko siyang ipagtanggol hindi dahil gusto ko kundi dahil kailangan niya.I BELIEVE INREAL JUSTICE

.9. Dalawang beses po akong nagmahal. At dalawang beses din po akong umiyak. Una, dahil kailangan kong maging kapatid sa isang tao para makasama siya habang buhay. Tinanggap kong mahalin ng patingi-tingi basta pang habang panahon kesa pilitin ang isang bagsakan na walang kasiguraduhang magtatagal. Pangalawa, dahil kailangan kong ibalik sa Diyos ang taong mahal na mahal ko at ayaw ko siyang isuko.I HAVEA BROKEN HEART.

10. Dalawang kandidato lang ang aking kinampanya bilangPresidente. Una ay si FVR dahil first time ko pong boboto at excited akong makilahok sa halalan. Tapos nawalan na ako ng gana. Kasimas maaga kong nakita ang pamumuno ng mga oligarkiya kahit iba-iba ang anyo ng pangulo.Isang kulay lang sila:KULAY PERA!Kay Digong lang ako napukaw ng pagkabagot sa sistema kaya all out na ako. Kasi kung sino sa kanilang tatlo ang pangulo at hindi si Duterte, ubos ang labada ko.I AM A FILIPINO AND MY PRESIDENT IS DUTERTE

A STORY THAT INSPIRED MILLIONS OF FILIPINOS, THE REASON WHY THEY CHOOSE DUTERTE!

Share
  •  
    Copyright © INFOGRAPIX | Designed by Templateism.com | WPResearcher.com | Blogger Templates