Isa ako sa mga masugid niyong taga panood, kahit naka cable ang aming TV i always find time to watch your channel, nakasanayan na kasi lalo na pag news at mga primetime shows sa tanghali at mga teleseryes sa gabi.

Dati pa kahit nong wala pa akong asawa, my parents used to watch ABS-CBN Channels. Pinapagalitan pa nga ako pag nililipat ko sa ibang Channel. Lalo na father ko..  die hard fans nang ABS-CBN.

But lately I've notice some changes in your reporting, i don' know if you are filtering it,masyado na po kasi kayo obvious, For example na lang pag nagbalita kayo. pag tungkol sa ikasisira ng Pangulo, Number 1 agad sa headlines niyo. Pero kung sa ikagaganda ng imahe. wala kayong binabalita, Puro ikakaksira ng image ang gustong gustong niyong bina balita.

NEXT: Meron isang Issue last previously  na nag VIRAL sa social Media. eto po yung DAGA na natagpuan sa isang sikat na Branch ng STARBUCKS Coffee,  pumutok ang balitang yan sa lahat ng blogs at news media portals and even TV and RAdio Stations Nation Wide. nag ingay po yan ng almost one week. tinalakay nyo din po yan sa lahat ng news room po ninyo even sa mga morning shows and to your SUB Stations. and Radio Channels.

Pero matanong ko lang po?bakit  yung VIRAL News about sa CHOCOLAIT drink na may nabuksan na may nakitang something na nabubulok na parang intestine sa loob ng package hindi niyo nireport? eh mas Nag Viral pa ito kesa sa STARBUCKS news,
Bakit po? dahil ba ''BIG ADVERTISERS'' niyo ang company na Nestle? at kapag ibinalita niyo natatakot kayo na baka  mag pull out at i  cancel ng company ang lahat ng product Advertisements nila sa inyo?

Ilan lang po yan sa napansin namin sa inyo, 

Pero Hindi po TANGA ang mga viewers niyo. Pinuputol niyo ang mga video sa news niyo at pinapakita niyo lang yung portion ng video that supports your  Negative HEADLINES
you even used popular faces and iconic groups to support your agendas

YOur News reporting seems  losing it's substance and credibility. At ang naiiwang biktima po dito ay ang mga viewers niyo walang access sa youtube at facebook to watch the original full length video na pinuputol niyo sa main news nyo.

Sa Ating mga kababayan, lalo na sa sektor na hindi na kaka access sa higher platform of medias na matatagpuan sa internet. Ang Malayang pamamahayag sa ating bayan ay tila nabahiran na ng imoralidad at ka plastikan. 

Na sana ang Mga TV channels na ITO  ang siyang pangunahing instrumento upang maging mata at tenga ng bayan, pero sa halip sila pa yata na ang nagiging malaking instrumento upang bulagin ang mayorya.

Ang kanilang kapangyarihan ay tila lumaganap at  ginagawang sangkalan ang masa at iginigisa sa kanilang sariling mantika

TO ABS-CBN. nasaan na po ang inyong kahihiyan? ang inyong dignidag at prinsipyo? ito ba ay tinapalan na nang pera ng inyong mga kaalyansa sa oligarkiya? nabili na din ho ba ang inyong prinsipyo?

Wala po kaming pinagtatanggol sa post na ito.
mabuti naring kayo ay amin ding suriin gaya ng pagsusuri niyo sa iba

maging pantay po sana kayo sa pagbabalita,  hindi yung pinag kakasya niyo ang labinlimang segundong video sa mga news segments niyo para sirain at ipakita ang pangit na bahagi ng video ng taong involve sa news headlines niyo.

YOu Raped the viewers by inserting almost 20 minutes long commercial breaks bago yung main shows niyo, isa kayo sa dagdag pahirap sa mga tao. tunay na salarin sa paglobo ng kuryente ng taong bayan. imbes naman sana kahit 5-8 minutes lang na interval ng commercials sa shows. sinasamantala niyo porket alam niyong  no choice ang mga tao dahil walang ibang tv channels na nasasagap kundi kayo

sana naman makaramdam kayo. o baka naman manhid na din kayo? lango sa biyayang dala ng hindi makataong komersiyalismo na mas lubos na tinatangkilik niyo kesa sa kabutihan ng mga manonood nyo.

Sa mga makakabasa po nito. sana ay hindi mawalan ng saysay ang ating pagtatangka upang maiparating sa publiko at maipakita ang tunay na nangyarari at sana ay maitama ito.

TO ABS CBN.  huwag niyong hintayin na may sumabog na grupo dahil sa ginagawa niyo, huwag niyong sabihing hawak niyo ang mundo

may pagtitimpi ang bayan. pero huwag niyo sanang ubusin ito.

DEAR ABS-CBN, SANAY MABASA NIYO ITO AT NG MGA OPISYAL NIYO

Share
  •  
    Copyright © INFOGRAPIX | Designed by Templateism.com | WPResearcher.com | Blogger Templates