Masarap! malinamnam! yummy! yan ang lasa ng isaw, AKA bituka ng manok. nakakatakam lalo na kapag isinawsaw mo na sa sweet and spicy suka na may halong tinadtad na sibuyas, paminta at pipino.

everybodies favorite. lalo na pag alas singko ng hapon. mausok ang mga BBQ stands sa kanto. ang malasang amoy ng inihaw na BBQ. pinahiran ng mama citas. talaga namang ma se seduce kang kumain,

wala po kaming pinatatatamaang negosyo dito, na curious lang po ang Team natin, kaya naman, nag pa ihaw kami ng isang set nito sa mag kakaibang mga BBQ stands. hindi po natin nilalahat, may ilan na ganito ang aming nadiskubre sa nilalakong mga isaw isaw na yan,

Well. eat at your own risk, i a upload namin later yung itsura ng isaw na naluto na. at bibiyakin namin para makita niyo ang pruweba. sa mga duda, pwede niyo po gawin. bumili kayo sa inyong mga kanto. ihawin niyo muna. saka niyo biyakin yung intestine.

may palagay naman po kami na isolated ang case na ito, may palagay na din kami na malinis ang karamihang isaw na tinitinda, at palagay namin nag kataon lang na dugyot yung nabilhan namin, anuman ang resulta?  kayo na po bahalang humusga, we challenge everyone to buy and test it at your own.  huwag niyo na lang pong ipakita sa pinag bilhan niyo para hindi mapahiya.

ayon sa ming nadiskubre. based sa scientific approach, ang laman ng bituka ng manok ay yung mga kinain nito, bago siya katayin. pwedeng may bulate. pwede ding may feeds, o kung anumang maliliit na kulisap na natutuka nito sa kulungan. malinis? naman! pag bigyan natin ang mga ka tropa natin na sarap na sarap sa street foods na ito,

bweno. ang lagay eh! kanya kanyang trip na lang yan, walang basagan sabi nga nila,

ikaw bahala.

basta ako?

lintek! na isaw yan! ganyan pala ang laman ng bitukang yan! 
masarap? di bale na po! 

kain na lang ako ng kikiam!

THE SHOCKING TRUTH ABOUT OUR FAVORITE STREET FOOD ''ISAW'' (Must Read!)

Share
  •  
    Copyright © INFOGRAPIX | Designed by Templateism.com | WPResearcher.com | Blogger Templates