Misan ang pangil ng batas sa ating bayan ay umuubra lamang sa mga mahihirap, kapag mayaman. parang baog ang ating hustisya. kayang takpan ng salapi. kayang baluktutin ang tama at gawing tama ang mali.

Sa panig naman ng mga mahihirap na piniling maging kriminal. anong hustisya ang nag hihintay sa kanila? lalo nasa krimeng mala hayup at lapastangan sa ating  kababaihan at sa mga batang nilapastangan ang murang katawan? 


Isang kaso, na kakaiba ang dulot na emosyon sa biktima at kaanak nito. Kung sayo gawin ang pambababoy na ito? kung sa anak mo? o sa asawa mo gawin ito? paano ka haharap na may matinong pag iisip? hindi ba nakaka baliw? nakaka demonyo ang mga krimeng ganito. na kahit sa kasuluksulukan ng kabaitan mo bilang isang tao., gusto mong sugurin ang mga kriminal na ito? gusto mong Pigain ang katawan nila hanggang lumabas ang dugo , pero higit pa sa buhay. higit sa BUHAY! kulang pa ang  hininga ng mga taong ito upang ipam bayad sa Kasuklam suklam na Krimen na nagawa nila. KULANG pa ang BUHAY para Ipam bayad sa Ka hayupang Ginawa nila sa Kapwa nila inosenteng  tao.


Kung mayroon kang MALASAKIT sa mga biktima ng RAPE basahin mo ito!

BUKAS NA LIHAM NG MGA PRESO

Para sa mga Kalalakihan

(BAWASAN ANG BIKTIMA NG RAPE SA PILIPINAS)

Kaibigan, kami ay mga Preso, Oo nakakulong kami, halang ang bituka at kaluluwa namin. Iba't-iba ang kaso naming mga Preso, mayroong naka-patay, droga, robbery at pagnanakaw at ang iba ay nangbubugbog ng mga bata. Oo aminado kami na nanglamang kami at nakasakit ng kapwa, pero ginawa namin iyon para sa mabuhay, at para sa mga Anak, hindi na namin ipag-pipilitan, dahil aminado kami na mali iyon, pero kahit kailan ma'y hindi kami nang-gahasa ng kababaihan.

Oo, mayroon kaming mga kasalanan at ang ibang kasamahan namin na mayroon kaso na "RAPE". ay binibigyan namin ng spesyal na atensyon. V.I.P. kung tawagin.

Hindi nyo alam ang tinutukoy namin na V.I.P.
Dahil kapag lumaya na ang isang Preso na katulad namin ay, hindi ikinukwento kung ano ang nagaganap sa loob ng piitan. Dahil walang gustong makipag-usap, oh ang iba ay nilalayuan kapag nalaman na Ex-convict. Hindi rin sila nag-k'kwento dahil nahihiya sila, kaya't hayaan nyo na kami na ang mag-labas ng mga pangyayaring iyon, para sa ikaalam ng lahat..

Gagamitin namin ang mga termino oh salita na kami lang ang nakaiintindi. kapag itinatrato naming V.I.P. ang isang Preso na nahatulan sa kasong RAPE..

"TAKAL" ang ibig sabihin ay bug-bog, sa mga maliliit na presinto pa lamang ay puro (takal) na ang aabutin kapag nalaman namin na RAPE ang kaso ng taong pumasok sa aming selda..

"SUPERMAN" superman ay isang libangan naming mga Preso, partikular sa mga CityJail. Ang ginagawa namin libangan na superman ay ang bagong pasok na Preso na nang-RAPE, apat na katao, ang isa hawak ang isang kamay, at ganon rin ang tatlo, hawak ang kamay, at magkabilang paa. Ihahagis ng mataas na mataas at sasaluhin, doon rin mismo, kung saan ang toka nilang hinawakan na parte, kapag malikot ang nang-RAPE at gumalaw hindi namin masasalo, alam nyo na siguro kung ano ang mangyayari kapag hindi namin nasalo, paulit-ulit hanggang hindi kami nasisiyahan, nasisiyahan lamang kami kapag nakakita na kami ng DUGO,

"TAXI" ang taksi na tinatawag ay, kapag nalaman ng MAYORES na ang bagong pasok sa oblo (piitan) ay repist, tuwang tuwa na ang MAYORES, dahil mayroon nanaman syang taksi, pinapasan ng mga reypist ang MAYORES oh segunda mayor at lahat ng may katungkulan, pinapasan ito kahit saan gustuhing pumunta, kapag sinabi ng MAYORES gusto niya lumibot buong araw sa City.Jail, ibig sabihin buong araw niya papasanin ang MAYORES, paikot-ikot gagawin siyang taksi, hindi siya pwedeng umangal dahil ang aabutin niya ay "TAKAL" oh "SUPERMAN" kapag nanglaban pa siya..

"MONYITO" "A/C"

Monyito ay taga-bantay sa mga preso habang natutulog. hindi siya pwedeng matulog dahil kapag may isang binangungot oh tiniraydor na preso at ito'y namatay. Idadagdag iyon sa kaniyang kaso, take note: habang siya ay nag-babantay may hawak siyang pamaypay, mag-damag niya papaypayan ang mga preso, para hindi lamukin ang mga ito. Hindi siya pwedeng pumalag kung ayaw niya ng "TAKAL" at "SUPERMAN" kinabukasan..

Kung ang inaakala ng iba na, kapag nang-gahasa sila ay basta-basta lamang sila makukulong, matutulog at kakain lamang sila sa loob ng bilangguan, nagkaka-mali sila, hindi ito pananakot at hindi gawang kwento. Ito'y totoong pag-trato sa mga preso na reypist.

Isinulat namin ito dahil kami ay nababahala na! sa datos ng Gobyerno, isa sa tatlong Kababaihan ang nagiging biktima ng RAPE, na walang pinipiling edad, bata man oh matanda, dalaga oh mayroong asawa. At base sa datos namin araw-araw ay mayroong pumapasok sa aming piitan na ang kaso ay RAPE.

Nangyayari ang V.I.P. na tinatawag sa mga City Jail lamang, dahil matagal ng organisado itong aming piitan na.

(New Bilibid Prison)"MUNTINLUPA"

Pero ayon sa datos ng Gobyerno na, tatlong Kababaihan ang ginagahasa Araw-araw, ay mapipilitan rin kami ibalik ang sistemang V.I.P. para sa mga taong magtatangkang mang-GAHASA ng mga kababaihan, madali namin mapupulong ang iba pang malalaking PIITAN, at iba't-ibang lider ng mga pangkat, gaya ng "BAHALA NA GANG", "SPUTNIK" "COMMANDO" at ang iba pa, na siyang sumusoporta sa isang reypist kapag ito'y sumama sa isang pangkat. Pero sa pagkakataong ito, wala ng pangkat-pangkat, talo-talo na, panahon na para pairalin na ulit ito, ang "BATAS NG PRESO"

Ngayon lamang kami gumawa ng bukas na liham. Hinihingi po namin ang tulong mo, kung sakaling mabasa mo ito.

Kung ikaw ay may-Anak na babae, mayroong kapatid, pinsan, nobya at asawa na Babae, kailangan ko po ang tulong mo para maikalat ito. ipakita mo na mayroon kang malasakit sa mga KABABAIHAN, kung gusto mo mabawasan ang datos na tatlong BABAE ang nagagahasa Araw-Araw..

Ayon kay Dr. Jose Rizal

"Panulat ang matinding sandata"

Labanan natin ang dumarami na kaso ng RAPE sa Pilipinas.

Please SHARE!

From: (New Bilibid Prison) Blogger site

VIRAL: From: (New Bilibid Prison) ANG BATAS NG PRESO : (Isang Bukas Na Liham)

Share
  •  
    Copyright © INFOGRAPIX | Designed by Templateism.com | WPResearcher.com | Blogger Templates