Ratings: 4(Hits:5,145,670) (Views:5,223,567)
★★★★☆
LAbeled as  Sponsored stories po ito sa facebook ibig po sabihin nilagyan ng budget for the purpose of making it more visible, at para mas malawak ang maging coverage ng viewing. maaring ito ay makita sa feed ng friends of friends, by gender, by locations by GEOGRAPHIC location. By interest, 

Tutal kaya nilang Mag budget ng ganitong uri ng facebook ads style, Basahin na din po natin at bigyan ng benefits of the doubts. o ayan ha? wala na sila masasabi. Post din natin dito yung mga viral statuses nila. in Fairness ha? nasa 346k share na ito as of this afternoon. bandang  1:15PM malaki din ang likes nasa 467K likes na. Kung pag babasehan ang activity ng post na ito for the past 24 hours, viral po siya at efective ang campaign na ginawa . Pero sana after mo din ito mabasa. I share mo para ma break ang record nila.  Ok read niyo po. 


Dear Mar Roxas,
Iboboto kita.

Pero ‘wag ka masyadong feeling. Iboboto kita hindi dahil gustong-gusto kita kundi dahil lang wala na akong ibang mapagpilian. Kumbaga sa pagkain, yung iba nasusuka ako. Sa’yo, naiindigestion ako paminsan-minsan.

Kung ibang eleksyon ‘to, hindi kita iboboto. Hindi kita iboboto over Raul Roco. Hindi kita iboboto over Jovito Salonga. Kaso wala e, kahit mag-abstain ako meron at meron pa ring dapat maging president.

Ito yung mga dahilan kung bakit ayaw kitang iboto:
1. Kups talaga yung nangyari sa Kidapawan at lalong kups yung ginawa pagkatapos. Ipakulong ba naman yung mga lola. Kups ‘yun, ‘tol! [invective]
2. Imbistagahan at aksyunan n’yo naman yung panlalapastangan sa mga Lumad.
3.‘Yang [invective] laglag bala na ‘yan, napaka-inutil n’yo para ‘di ‘yan mapigilan. Benefit of the doubt na na baka mga kalaban n’yo promotor niyan kasi laging perfect timing ang mga insidente. Pero naman, galaw-galaw naman kayo diyan. Inutil!
4. Yung mga lintik na plaka at sticker namin sa LTO, ang simple na lang nun, dude, pumalpak pa kayo.

Ito naman yung mga bagay na kinagagalit ng lahat pero kaya ko pang intindihin:
1. Mamasapano – sige, covert military operation ‘yun kaya ‘di applicable ang rules. ‘Pag successful, palakpakan. ‘Pag palpak, yari lahat ng sangkot. Ganun talaga e.
2. Yolanda - kaya ko ring intindihin kasi pinakamalaking delubyo ‘yun sa kasaysayan. USA nangamote sa response sa Hurricane Katrina. Japan nangamote rin sa Kobe earthquake. At in fairness naman, UN mismo na-impress sa response natin. World Bank at ADB impressed din sa nangyayaring rehabilitation. Pero yung asta mo during that time, ‘kala ko talaga wala ka ng balak tumakbo kasi napakaantipatako mo sa mga interview. Corruption? Tignan natin kung anong ilalabas ng mga nag-iimbistiga.
3. MRT - nakakabuwisit talaga tuwing sumasakay ako. Minumura ko kayo ni Abaya. Pero at least bumili na kayo ng mga bagong bagon. Aasahan ko ‘yan a.
4. Trapik - dati pa namang problema ‘yan. Naging hit song nga ‘yan ng ‘90s rap group na Death Threat at girl band na Prettier Than Pink. Sana makatulong nga yung pinagawa n’yong NLEX-SLEX connector. Aasahan ko rin uli ‘yan.
5. NAIA – sige, nagulat siguro tayo sa biglang dagsa ng halos 5 million tourists at sa biglang boom ng local tourism kaya hindi nakapag-cope yung airport. Pero, ito ha, may 6 years ka para ayusin na ‘yan.
6. DAP - hindi ko ma-judge kung tama o mali. Ang alam ko lang, nirereklamo yung process ng DAP mismo pero walang alegasyon na ninakaw yung mga DAP projects tulad ng PDAF-Napoles issue. Ang alam ko lang din, tumaas GDP dahil sa DAP at bumagal nung tinanggal ito bigla. Tapos nung tinanggal, binatikos naman ang gobyerno na under spending daw.

Ito naman ang mga dahilan kung bakit kita iboboto:
1. Bilib ako sa napagawang 100,000 classrooms. Wala pang nakagawa nun ever.
2. Bilib din ako sa napagawang 18,000 kilometers na mga kalsada at 100 kilometers ng mga tulay. Wala pa ring nakagawa nun.
3. Bilib ako sa nangyayaring AFP modernization. Wala pa ring nakagawa niyan.
4. Bilib din ako na consistently tayong nasa top 3 in terms of GDP growth sa Asia. Wala pa ring nakagawa niyan.
5. Astig din na ang forecast ng World Bank ay magiging upper middle income economy na tayo by 2020.
6. Hanga din ako na laging ayon sa schedule naipapasa ang budget ngayon. Dati kasi sinasadyang ‘wag umabot sa deadline para reenacted budget lagi. Yun na, free for all na ang pagdekwat.
7. Ayos din na naibalik ang indepence ng Supreme Court. Dati parang puppet na lang ng presidente, e.
8. Ngayon din, nagtatrabaho na ang COA. Dati, bibigyan lang ng pansit ang auditors hindi na magtatrabaho. Si Heidi Mendoza mismo ang nagsabi niyan. Ngayon, lahat takot sa COA.
9. Pati Ombudsman, kinatatakutan na ngayon. Dati parang dekorasyon lang ang Ombudsman.
10. Malaki na rin ang improvement natin sa Corruption Index na matagal ng hindi nangyayari. 2008, 141st tayo out of 175 countries. Ngayon nasa 95th na tayo.
11. 90% na rin ang coverage ng Philhealth.
12. Yung K-12, kahit na ang daming galit diyan, hanga ako na pinanindigan n’yo ‘yan.
13. Ganun din sa RH Bill na kailangang-kailangan natin. At the risk of losing the Catholic vote, pinush n’yo pa rin. [invective] lang ‘tong si Tito Sotto, hinarang yung budget.
14. Inflation, lowest level in history kaya star din ‘yan. 7.25% nung 2008, ngayon 1.5%.
15. Unemployment, bumababa consistently. From 7.3% nung time ni GMA, ngayon nasa 5.8%
16. Yung pagpapakulong sa tatlong senador, unprecedented ‘yun.
17. Yung pagpapakulong kay GMA, agree din ako diyan.
18. Yung pag-impeach kay Corona, ang tigas n’yo dun. Thug life, kumbaga.
19. Ok din yung Oplan Lambat Sibat (kahit ang weird ng pangalan) kasi 700+ out of the 900+ most wanted ang nahuli dahil dito.
20. Impressive din yung response sa Bohol eathquake.
21. Ayos din yung response sa Zamboanga seige.
22. Ngayon lang din nangyari na nag-improve ang Debt-GDP ratio natin kaya ituloy n'yo lang 'yan.
23. Ngayon lang din nangyaring naging creditor nation na tayo. Hindi na lang tayo nangungutang, nagpapautang na rin tayo kaya may extra income tayo dun. Good job 'yan.
So, Mar, iboboto kita ngayon. Pero hindi ibig sabihin nun kakampihan kita lagi. Susuportahan kita, pero mumurahin kita kung kinakailangan.

Sincerely yours,
Brian James Camaya


Ok na sana, pero ang hindi ko naman ma take. ay ito.

1. Nasa 6Triliion Na ang UTANG ng Pilipinas at 4Trillion dito ay Utang ni P-NOY mula nung umupo ito sa pwesto - ok lang yan. Ang dami namang achievements . yun nga lang para mo na ding sinabi na MAUNLAD nga . PURO UTANG naman, which is ok lang sana kung pera lang ang nautang, ginawa naman yatang colateral ang Bayan.  Maalala ko lang Kumusta presyo ng Bawang? TAe! dito sa amin. 10.00 Pa rin ang isa.  Kung gusto mong kalkalin ang datos sa tunay na estado ng ekonomiya ng Pilipinas basahin mo na lang ito.  http://infograpix.blogspot.com/2016/04/president-benigno-aquino-iii-will-leave.html

pero tapusin mo muna itong binabasa mo, mamaya mo nalang isunod ito.

Ang pagpili ng presidente ay hindi basta basta. Kung mahalaga sayo ang panahon at ang bukas, hindi ka pwedeng basta na lang gumaya o iasa ang pagpili ng Presidente sa mga kaanak o kaibigan. Choosing the next President is crucial. I am a mother of two boys at nakasalalay ang susunod na anim na taon ng kanilang buhay sa mananalong Presidente.

Hindi ko kilala si Mayor. Pero nun malaman ko na may tatakbong Duterte, dahil sya lang ang di ko kilala, nag research ako.. Nagbasa. Nakatulong din ang panonood ng debate.. Hindi ko alam ang tungkol sa dayuhan na narape. Pero dahil sa rape joke, mas ginusto kong malaman kung ano ang nangyari. Pinanood ko ang interview ni Mayor at nagbasa basa tungkol dito. Pero imbes na magalit, Lalo ako humanga sa kanya. I cant understand why others are so narrow minded that the issue became bigger, lalo tuloy sumikat at maraming nakakilala kay Mayor.

Hindi importante kung gaano ka kagaling magsalita or kung magaling kang maglahad ng datos... Ang mahalaga ay yung marunong kang umunawa sa estado hindi lang ng iilan kundi ng mas nakararami.. Aanhin mo ang datos na kaya naman ibigay sayo ng mga mananaliksik?? Hindi naman araw araw e magbibigay ka ng SONA.. Para sa akin ang importante ay kung paano mo gagampanan ang tungkulin mo bilang Pangulo at kung paano ka magpahalaga sa kapwa, seguridad at kapayapaan. 

Naalala ko pa nung mag give way si Roxas kay PNOY. Na imbes na tumakbo syang presidente, hinayaan niyang si PNOY na lang. Sabi ko sa sarili ko, sa next election, si Roxas ang iboboto ko kasi marunong syang magpahalaga.. Pero nun kasagsagan ng Yolanda, at nag leak ang video na nagbitiw sya ng mahiwagang salita ---you have to understand that you are a Romualdez and the president is an Aquino--- Oo, hindi nagmura si Roxas. Pero para sa akin masahol pa yun sinabi nya kaysa rape joke o pagmunura ni Duterte. Nagdalawang isip na ko. Dapat ang taong nangangailangan ay abutan ng tulong, regardless kung ano ang apelyido mo. Dahil during that time, lives must be saved not someone else's ego nor self interest...

Another has nothing to do with Roxas but the system. During Yolanda, Lucy Torres said that the relief distributions were thinly given to the barangays hence the goods were given based on the voters list and not per household.. Watching it made me feel unsecured.. Kasi we are living in Valenzuela that time and the location is a flood prone area. What if yung sama ng panahon madako sa amin? Paano kung kagaya sa Leyte na selective distribution of relief goods din ang mangyari? I am a registered voter in Laguna but lives in Valenzuela so ibig sabihin hindi rin kami bibigyan ng relief goods? 

Yolanda is a disaster in a mask. Maraming buhay ang nawala pero kasabay nito, namulat tayo sa kasalukuyang maling sistema.

Naniniwala ako na ang lahat ng mga ito ay kayang baguhin sa pamumuno ni Duterte. Magtulungan tayo. Tulungan natin si Duterte at Simulan natin sa ating sarili. 


Watch mo na din ang Video na ito. Baka makatulong para mahimasmasan tayo.

VIRAL: Post of Brian James Camaya , ''Dear Mar Roxas, Iboboto kita.'' (Must Read!)

Share
  •  
    Copyright © INFOGRAPIX | Designed by Templateism.com | WPResearcher.com | Blogger Templates