Ratings: 4(Hits:1,440,678) (Views:1,423,567)
★★★★☆
''Habang Binabasa mo ito, sa mga oras na ito  ako ay  nasa isa nang mahabang paglalakbay , Pauwi sa aking munting tahanan. pabalik sa dati kong anyo, isang ordinaryong rebolusyunaryo na umahon saglit mula sa kabundukan, sumigaw, pinunit ang sedula at nakipag laban.''

Magandang Umaga at naway ang  pagpapala ng Ating Dakilang Ama, ay suma ating lahat. Kapayapan. at Pag-ibig naway dumating at siyang tunay na mamalagi sa puso ng bawat isa.

Marahil matagal na panahon nanaman bago tayo muling magkita kita, gayun pa man, sisikapin kong mag paalam gamit ang pinagsaluhan nating mga ala-ala, at sa mga panahong tayo ay magkakasama. nais kong malaman niyo na walang mapagsidlan ang aking mga galak at luha, . naging karamay natin ang bawat isa, dito natin hinugot ang lakas ,ang bawat pagpapagal na ibinahagi niyo upang makamit ang tagumpay na ito, ang bawat sakripisyong inalay niyo, ang bawat lakas na pinagsama sama niyo upang bumuo ng isang matibay na alyansa upang itayo at pagtibayin ang pundasyon nang ating republika

At ngayon, nasa yugto na ang digmaan may tinamong sugat na pinaghihilom ang  bawat isa, may ilan na tinamaan ng tabak ng paghusga, may ilan na lumaban na walang wala, may iba na tumakbong walang sapin sa paa, nag kakalyo, nag kasugat , nadapa.

Tayong lahat ay ibinigay ang pananagutang ito sa ating bansa, gayun pa man, nais kong ipabatid na sa likod ng pananagutang ito ay isa sanang karapatan ang mabuo na mas lalong maging dakila. higit sa anumang yaman na nais matamasa, makita ng mga banyaga ang tunay na simbolo ng ating ginawang pag kakaisa. 

Sa mga oras na ito. nakatunghay sila, pinag mamasdan ang mga punit nating sedula na pira pirasong bumagsak sa lupa, at sila ay tumatawa, nag hihintay sa hamon kung kaya nating pulutin ito at pag tagpi tagpihin isa isa, huwag naman sana. dahil pag nagkataon, nakakahiya ang magiging kalansay ng ating demokrasya.

May ilan lang na dahilan kung bakit ako parang nasasaktan, Ilang araw pa lang ang nakakalipas ng isagawa niyo ang sagradong halalan, pero tila hindi na mga banyaga ang tulisan na inyong binabantayan ,kundi kapwa kapatid, kadugo at mismong kababayan
Bakit niyo hinayaang kayo ay lasunin ng sarili niyong kapangyarihan? bakit  dinudungisan na ninyo ang ating banal na kahalalan.

Na sana ito ang maging gabay niyo upang matanyag ang ating kadakilaan,maipagmalaking ang Pilipino ay may dangal at walang bahid ng dungis ang kanyang halalan.

Maaring tayo ay mabuo sa pagkaisa, pero maari ding bumagsak sa paraang tayo ay nagkaroon ng pag kakaisa. at sa pag kakataong ito sisimulan ko ang bahagi ng liham na ito sa tatlong sulok ng ating bandila

BABALA: Ang mga bituin at araw ,  ang tatlong pulo na bumuo sa ating republika, magsilbi sana lagi itong paalala na ang dugo natin ay iisa, Ang sinag ng araw na naging gabay natin upang maging malaya.

PAGBATI: Ang Asul sa itaas na ang adhikain ay bayang mapayapa, magalak tayo na ang kasarinlang ito ay taglay pa, magpatuloy at isalin sa bagong lahi, maging handog sa bagong mundo na itinaguyod nating lahat upang maging paraisong tahanan ng bawat isa.

MGA GUNITA: Sakali mang ang bayang ito ay maidlip dahil sa kanyang hapis at dusa, inyong ingatan sana ang ating mga alaala, harapin ang bukas na may bagong pag asa. Alang alang sa mga dugong nabuhos mula sa mga martir ng ating bansa. 

Malayo na kami upang sa inyo ay laging mag paalala, subalit naitanim sa inyong mga puso ang butil ng pakikibaka. Mula sa panahong ang panulat ay balahibo at pluma. napaka palad na ang kasaysayan sa panahon niyo ay isa nang nakakamanghang obra ng siyensiya.

At ngayon, tapos na ang digmaan o marahil inyo pa lamang inu umpisahan.  sana ang inyong mga pag tulog sa  gabi ay magiging payapa na, sanay ma-alala din nating lumuhod at magpasalamat sa kanya. Salamat Ama, Sa iyong mga biyaya at pagpapala  sa bayang ito. Loobin mo sana Ama na maitaguyod ang takbuhin ng bawat isa, maging instumento at layuning pausbungin ang pananampalatayang may takot sa iyo. Maging susi ang bawat isa sa mas matayog pang pag-ibig at katapatan sa bawat isa. Abutin ang kasakdalan ng bayan mo. Hirangin ang lahat na mapagtagumpayan ang bawat bagyong susubok sa tibay ng aming mga puso.

Mula sa Pinakamaliit na mamayang naki isa sa rebolusyong ito. hanggang sa pinaka matayog na uri ng tao sa bayang ito. BINABATI KO KAYO. Hanggang sa Muli natin  Pagkikita..
Mahalin natin ang Bayang ito, Maki isa sa Pagbabago. at palawakin ang bagong rebolusyon na sisimulan natin sa sarili natin mismo. Ibahagi mo ang Liham na ito. upang maging lakas sa mas makapangyarihang salo salo.

Saksi ang Bandilang pareho nating Iwinagayway sa ating mga Puso, ito ang ating BAGONG SEDULA. sanay huwag na natin muli pang Punitin ito.Panghawakan sana natin ang tinta sa ating mga kuko. Magsilbing paalala na maari pa nating ituwid ang mga mali sa bayang ito.

- EMILIO AGUINALDO 
Taga Bukid

MENSAHE MULA KAY EMILIO AGUINALDO: Pauwi sa aking munting tahanan. pabalik sa dati kong anyo.

Share
  • ,
  •  
    Copyright © INFOGRAPIX | Designed by Templateism.com | WPResearcher.com | Blogger Templates