Ratings: 4(Hits:4,145,678) (Views:4,163,567)
★★★★☆
Marami sa totoo lang ang nag rereklamo sa sistemang ito. bagamat sinasabi ng ilan na ang Pilipinas na lang daw ang natitirang bansa na hindi k-12 compliance? Kung college level graduate nga hirap maka hanap ng trabaho. ang daming walang trabaho ngayon, tapos dadagdagan pa ng pahirap gastos. 

Ang Problema sa ating bansa. nag aambisyon tayong sumabay sa kalidad ng mga  developed countries eh ni blackboard at silya sa classroom hindi ma provide ng gobyerno. Pero sana Sa Administrasyon ni Tatay Digong Mabago ang sistemang ito.

Sa totoo lang. HINDI SA DAMI ng taong ginugol ang BASEHAN ng pagkatuto. hindi rin sa IKLI nito. kundi yung konsepto kung paano natuto ang estudyante. Why is there a lot to be taught? when there is only few to be caught? ang dami daming pinag aaralan sa school, hindi naman impportante. PILIPINO na subject? mula Grade 1 hanggang COLLEGE? pinag aaralan? BAKIT pag dalubhasa ka ba sa PILIPINO na SUBJECT at wala kang mahanap na trabaho dito sa PINAS, nag abroad ka > sample sa KOREA. magagamit mo ba? hindi. kundi kukuha ka ng 6 MONTHS na kurso para pag aralan lang ang language ng KOREANO. hay naku! tsk tsk! k-12! letse! 

DApat buwagin yan! mag design ng bagong curiculum. na mas MAIGSI, at mas matipid! huwag niyo ngang dramahan ang mga Pinoy! hindi mga tanga ang Pilipino! lalong mas mahaba yang ginawa niyo. dahil need pa rin mag college later on nung estudyante. kahit sabihin niyong after grade 12 pwede na mag trabaho. bakit? competent ba ang aplikante na mag aaply? kasabayan ang college level later on? sino sa tingin niyo i ha hired? natural yung COLLEGE LEVEL! oh di sapilitan pa rin na dapat mag college! 

At isa pa ho.  pasintabi po sa mga nagsasabing mas OK ang k-12 program. nung araw. 7 years old standard para maka pag grade1. eh anak ng baka! ngayon, 3 years old pa lang ang bata Pwersado na sa preparatory schooling para lang makasabay later on sa k-12 . Bwiset!

HIndi bobo ang mga PILIPINO. ginagawa niyo lang tatanga tanga dahil sistemang pinag gagawa niyo. Ang edukasyon ay mas makabuluhan sa mga mag aaral na may matututunan at aktuwal itong mapapakinabangan. Ang problema sa Pilipinas Ginagawang Negosyo ang EDUKASYON, kaya imbes na umahon ang bayan, lalong lumulubog dahil lang sa personal na interes ng iilan.

PROPOSED CURICULUM . ETO DAPAT ANG GAWIN. I REVISE ANG k-12 AT GAWING MAS PRAKTIKAL

Grade-1 : Isang Taong Pag aaralan ang ABC at 123, sa isang taon na yan imposibleng hindi matutuo ang bata na magbasa at magbilang

Grade-2: Dahil marunong na magbasa. Simulan na sa ENGLISH proficiency ang BATA

Grade 3: Start na sa mas Complex Learning. Inject ka na ng HISTORY, Arts at Humanities

 Grade 4: Inject muna ang Science and Technology, or yung mas kumplikadong mathematics, GUsto mo paduguin mo ilong ng mga bata. i solve nila rubics cube

Grade 5: Reasoning, Complex Psychological Advance Learning Method/
Grade 6: CRash Course Preparatory sa HIGH SCHOOL. at simpleng Refresh sa lahat ng natutunan sa Elementary

o di tapos! Graduate na ng ELEM. 

Dito sa HIGH SCHOOL.  dito na inject ang Practical Learning. kahit 2 years lang na high school pwede na yan.

tapos deretsso College!  PAKUHANIN NG GUSTONG KURSO.
OH DI MALIGAYA ANG BULSA NG MAGULANG. HINDI PA TUSTADO ANG UTAK NG ESTUDYANTE, SARAP MAG ARAL DIBA?

ILANG TAON LANG YAN? SUMA TUTAL/
EKSAKTO PA RING 12 YEARS! GANYAN SANA ANG DESIGN NG K-12 NATIN

HINDI YUNG K-12 NA NEED MAG PREPARATORY NG 3 YEARS OLD. TAPOS SASABAK SA ACTUAL K-12 + 4-5 YEARS LATER SA COLLEGE DIYOS KO PONG MAHABAGIN!  aNG gobyerno ba natin nag aral ng MATH?? kwentahin niyo nga po ang ginugugol ng Pilipino sa Pag aaral lang? thats 19-25 YEARS o schooling! kung kukuha pa ng masteral degree later on! hindi pa kasama diyan ang panahon ng Pag rereview, OJT at panahon ng pag eexam.

PAano UUNLAD ang Bayan natin? tapos. Later ang daming GRADUATE . WALA namang TRABAHO! oh ano OPTION? eh di MAG ABROAD! oh sige nga? anong napala ng K-12 niyo? eh di wala! 

Sana Mabasa ito ni Tatay Digong. SAna Po Makarating sa inyo ang Idea na ito. inyo po sanang Mapag aralan. Alam namin na may magagawa po Kayo sa bagay na ito. Sa mga Napadpad sa Blog po na ito Pls. Paki Share na lang. Para makita ito ng ibang Educators at mga Taong nasa Posisyong para muli itong buksan at Pag aralan.

NEW K-12 PROPOSED CURICULUM ,THIS IS THE BEST REVISED THAT WE SHOULD HAVE!

Share
  •  
    Copyright © INFOGRAPIX | Designed by Templateism.com | WPResearcher.com | Blogger Templates