Ratings: 4(Hits:2,145,678) (Views:2,123,567)
★★★★☆
May mga bagay na pinanghihinayangan nating itapon kahit luma na, kahit punit na. gaya na lamang ng ating mga nakakahiligan isinusuot na damit, pero bukod sa panghihinayang may isang bagay na higit nating mas pina hahalagahan , at ito ay ang mga ala-ala na ibinibigay sa atin ng ating mga lumang gamit,

Ala-ala na nag bibigay sa atin ng inspirasyon. na kahit amoy amag na ito gustong gusto natin itong ina amoy, 

''Luma ang pag-ibig na may natatanging hatid na galak sa ating puso''

sa mga ganitong pag kakataon. parang mas mahirap makibagay sa mga bagong gamit. panibagong pakikisama. panibagong pakikiramdam ang tabas at gaspang nitong hulma sa ating katawan.

Pero bakit nga ba? masarap sa katawan ang manipis at lumang damit? 

Kumportable ang pang unawa ng tela sa gusto ng iyong balat,
Malamig ang  temperatura nang pagyakap at naiintihan niyo ang isat isa. Katulad ng pagibig ng Ama sa kanyang Mahal na Kabiyak
Katulad ng Pag mamahal ng Bibe sa kanyang munting mga Anak.
PAGTANGGAP: ito ang larawan ng isang pang unawa na tumutugon sa kabila ng kakulangan at limitasyon. Tulad ng Lumang gamit. Nakikita natin ang Halaga ng Bagay hindi sa anyo nitong pinaglumahan kundi sa kahayagang marami na kayong pinag samahan, pinag awayan at saksi kayong pareho sa inyong pagtitimpi sa isat isa , Pareho kayong naging tahimik at mahinahon habang pinalilipas ang inis niyo sa isat isa. 

PAG-IBIG: wala ng Ibang mas makulay pa sa Pula at tingkad ng natutuwang Puso. Matamis ang ngiti sa labi na nakikita sa isang mahal na pinanggalingan ng isang regalo, Pinili. Sinipat at banayad na kinusot para maitabi sa karapat dapat na mag may ari nito. yapos ang Amoy nito. hanggang sa naibigay ito. At ang makita itong suot ng taong Pinaka mamahal mo, Isang himala na mabubuhay ang kagamitang ito hanggang sa pag ka antigo, pero hindi  lumilipas ang tunay na kinang nito sa Puso

KAPANGYARIHAN: Tila ito ay isang agimat na aginaldo.Puspos ng kakayahang ikaw ay gamiting instrumento upang balikatin ang araw araw na pagsubok at dagok nang mundo. Sino ang magsasabing sa likod ng kulang kulang na Butones ng isang POLO ay isang nag tatagong kwento ng dakilang sakripisyo, Pag ibig at mapag pakumbabang Puso.

PASASALAMAT: Dahil sa kabila ng kakayahan nating baguhin  at itapon ito,natuto tayong lingunin ang mga bagay na magandang ginawa nito sa atin mismo. Isang kahayagan na tayo ay Uri ng taong Magmamalasakit. sa damdamin, at kalagayan ng mga api, nagluma at hindi na pinapansin ng mga nasa estado,

Nakakalungkot kung minsan, na tinitignan natin ang uri ng Tao sa kanyang Suot at mga tatak na paborito. tayo ay nakaka limot sa mas mahusay na uri ng pagpapahalaga.

higit sa mamahaling produkto, makintab at bagong anyo nito. 
Sana makita natin ang Pagpapahalaga sa mga Damit na pinag lumahan ng katawang lupang ito.
Ma i ugnay ang Pagbabalik loob natin sa ating natural na Pag katao,
Naka lipas na kahapon na nagbigay sa atin ng Saya at Liwanag upang tahakin ang Bawat Umagang hindi binalutan ng misteryo bagkus ang mga Lumipas ay nag pa tingkad sa ating pagiging totoo.

At sa muling pag didikit ng kulubot na  katawan at ng Lumang POLO. gulanit na manggas at kwelyo, na may tabinging sulsi at ginamit na ibang butones para dito. Ipag malaki na ikaw ay isa lamang hamak na likha sa mundong ito. Papanaw, at kahit mabihisan ng bago. Hindi kukupas ang Mukha at ala-ala dahil ikaw ay isang taong punong puno ng inspirasyon at pag ibig sa kapwa mo,

Kung Ang Isang Lumang Bagay may pagpapahalaga ka dito, Isa lamang itong matibay na argumento na magluluklok lalo sayo mismo sa pinaka mataas na pwesto. kung saan ikaw ay hinangaan na mas marami pang disipulo.

nasasabik akong muling isuot ang lumang polo ko, 
Ang Lumang Polo na may Pulang Butones . na Pinaka paborito ko,
Ang Damit na nag turo sakin kung pano maging mababa at huwag maging mapagmalaki sa kapwa ko
Ang DAmit nag  pa alala sa akin. sa pinaka matamis na ngiti ng mga taong nag mamahal sa akin dito sa mundo,

Ang Damit na kasing Kulay,  KAsing luma. ng damit ng Pinunong Ibinoto ko.


MENSAHE NG PULANG BUTONES SA POLO NI PRES. DUTERTE

Share
  •  
    Copyright © INFOGRAPIX | Designed by Templateism.com | WPResearcher.com | Blogger Templates