Ratings: 4(Hits:5,145,678) (Views:5,123,567)
★★★★☆
Share ko lang po ito mga kababayan, isa po akong magulang may dalawang anak na kasalukuyang nasa elementary grades. nuong  kinder ang panganay ko. i choose to enroll her sa Private kasi nga 1st stage of learning. naisip ko na para mas matutukan at para na din mas mapabilis ang learning skills niya. tiniis ko , kahit medyo mahal yung school. naisip ko saka ko na siya ilipat pag marunong na siya magbasa at mahusay na sa counting.

Next school year. grade 1 na siya. nasa  private pa rin siya gawa nga ng. mas malapit siya sa business establishment namin. ok lang kasi halos the same lang ang gastos kung ilipat ko siya sa Public. kahit walang monthly na binabayaran. talo naman sa pamasahe. hatid sundo sa umaga. sa tanghali at sa hapon. papunta at pauwi. 

school year 2016! eto na po. moment of truth. lumipat kami ng apartment. lumayo na sa Private school at mas malapit na sa Public School. so nag decide kami mag asawa na i transfer na yung anak namin sa PUBLIC school.

Ganito pala sa Pabulic  ? madami din pala requirements. tulad ng crayons? need daw  double layered yung color at aside from that may separate crayons na JUMBO ang size! take note ha? dapat KRAYOLA DAW ang brand! eto pa ho matindi. from Colored Papers,GLosy papers. bond paper dapat daw yung  quality pang print. i ready sa isang Plastic Folder, separate sa mga art papers na gagamitin.

Then mga notebook? lintek! grade 2 pa lang ang anak ko, bakit 15 ang notebook nila????

bakit sa private na pinanggalingan niya 8 notebooks lang ang pina bili!
kaya nga ako lumipat sa PUBLIC para makamura. maka tipid! eh lintek wagas din naman pala ang mga ito kung maka pag pabili ng kung ano ano sa mga parents.

Wala po problema sa akin. hindi ako nag rereklamo. i can afford it naman kahit papano,. naisulat ko lang po ito at nag submit sa infograpix kasi  hindi ko lang naman sentiments ito, .sa mga Public Schools. kasi madalas ito ang sentiments ng mga magulang na bumibili sa store namin. may ari po kasi kami ng school supplies dito sa amin. kaya alam ko ang mga binibili ng mga parents. at lagi ko sila nariringgan ng reklamo. lalo na yung mga hindi naman nakaka luwag sa buhay.

Minsan po talaga. itong mga Public School Teachers. ang aarte sa mga notebooks at requirements sa mga bata. bakit? ano po ba ang diperensiya kung manipis yung bond paper na nabili? at maitim yung grade pad na nabili? pangit ganun po ba? pag po ba hindi KRAYOLA ang brands ng Crayon hindi matingkad ang kulay?  Huwag niyo naman po sana i dahilan na PORKET public school na ang papasukan ng Bata ay sobra naman kayo kung maka asa sa mga gamit na gagamitin nila. higit po sa pag titipid na ginusto ng magulang para ipasok ang mga anak sa public school ay ang pag asa na matututo pa rin ito regardless sa quality ng education na ibinigigay niyo compare sa mga private schools.  Huwag niyo naman masyado i demand ang first class na Gamit at quality ng papel at notebook na gusto niyo ipabili sa mga bata.

Kaya nga po sa public schools na po pinag aral ng mga magulang ang mga anak nila. sa kagustuhang maka tipid. tapos kayo namang mga teachers wagas kung  mag pa requirements sa mga bata. paano na lang po ang magulang na walo ang pinag aaral sa school nyo? uniform. baon, at pananghalian na pinag kakasya? kung ang gusto niyo po pala ay simpleng pang kulay lang sa drawings ng isang 7 years old na bata  ay Branded pa pala? bakit?  tuturuan niyo na po bang mag FINE ARTS ang mga bata? marunong na ba yan sa Pilosopiya ng sining at pag guhit? mag dedesign na po sila ng architectural building? pang professional engineer na po ba ang stage mam?

We post this ARTCILE here. so that we can remind everybody, na nasa K-12 stage na po tayo. ah! oo nga pala! k-12 na tayo! sa public school. requirements na din ang 15 na notebooks sa grade 2 at CRAYONS mo dapat ang Brand ay KRAYOLA. 

Lecheng buhay to oh! Ano na po ang ipapakain ng isang ordinaryong magulang sa anak? para tumaba ang utak at mag ka nutrisyon ang katawan , lumakas para mag lakad papasok sa school at matutong mag aral? kung ang pamantayan ng isang GURO ay uri ng matingkad na kulay para sa piraso ng guhit na hindi natin malaman kung pakikinabanngan pa ito ng bata dahil titigil na ito sa susunod na taon? dahil wala ng mai pambili ng kinse pirasong notebook na maganda at makulay na KRAYOLA?

Samantalang pina pahusay natin ang kalidad ng edukasyon sa ating bayan. sana naman po ay matuto din tayong umunawa sa kalagayan ng mga ordinaryong magulang na gustong pag aralin ang anak at pangarap na mabigyan sila ng magandang kinabukasan. Ang pag katuto na sadya ng ginawang kalakal sa ating bayan. sana naman huwag na natin pang dagdagan ang hirap at kalbaryo ng mga hirap na magulang.

darating ang araw. baka hindi na pillin ng isang Pilipino na matuto gamit ang eskwelahan. at sa lansangan na lamang siya maki pag digma at maghanap ng paraan para hubugin ang isipan
pag nag kataon. sayang ang pagtatangka nating isalba at maghandog ng edukasyon sa kabataan kung ang ating puso ay wala sa landas ng pang unawa sa kakayahan ng kapwa para sumabay sa  ka sosyalan at ka ipokritohan ng ilan.

Naway kayong mga guro ay matuto din naman sana ng isang leksiyon
dahil hindi natatapos ang aralin sa loob ng inyong kaharian sa loob ng silid aralan
ito ay nag uumpisa sa inyong mga Puso. pabalik sa munting isipan ng mga batang sabik sa makataong pag ka tuto, at makatarungang uri ng pag hubog sa mga ito.

Dalawampung taon mula ngayon.
Ang Bayang Pilipinas. kahit kaylan ay hindi pa rin uunlad kahit saksakan mo na ito ng dobleng k-12 at gawin na itong k-20 para sa mga Pilipino

Solusyon nga ba ito?  o isa lang nanaman itong instrumento para ito ay abusuhin ng mga makapangyarihang tao? mga matatalino na wala ng ginawa kundi pag  isipan kung paano mas lulubog ang bayang ito. imbes na ma iahon sana. ay lalo pa itong kinadena at lalong pina bagal ang usad para ang ang bayan ay Umasenso. MAbuti sana kung lahat ng guro ay nakaka intindi sa kalagayan ng kapwa tao. . matanong nga lang po DEPED? ang k-12 po ba kasamang upgrade din ang pag dami ng notebooks at dapat po ba ang crayons ng estudyante ang brand dapat ay KRAYOLA? 

Binalikat na nga ng magulang at tinanggap ang implementasyon sa k-12 pero sana naman, maging reasonable at justified ang mga schools sa gastos ng magulang,Ang k-12 po ay proseso sa pag level up sa uri ng education system na ang ating bansa, hindi po pag LEVEL UP o pagandahan ng brand ng crayons na gagamitin sa eskwela.



DEAR PUBLIC SCHOOLS & TEACHER SANA MABASA NIYO PO ITO

Share
  •  
    Copyright © INFOGRAPIX | Designed by Templateism.com | WPResearcher.com | Blogger Templates