Kumusta na kayo, balita ko agad kayong naka tayo pagkatapos ng haplit ng aking kapatid sa inyo, pasensiya na kayo. medyo napalakas niya ang bayo sa lugar niyo. masarap kasi kayong pag tripan. nakakatuwa ang inyong bansa. ang tanawin ang eksena at ang inyong kultura pag dumarating ang mga sakuna.

Bweno. hindi na ako mg papa ligoy ligoy pa. Sumulat ako para bigyan ko kayo ng isang babala,
kung marami ang nasawi sa aking kapatid, marami siyang nasirang bahay, at inanod na mga pangarap at buhay. hindi rin ako mag dadalawang isip na gawin din ito sa inyo.

Paulit ulit! gusto ko kayong lahat durugin! hindi ako kontento na may buhay na natitira sa inyo. gusto ko na nga kayong mawala sa mapa ng mundo kung pwede lang yun! pero hindi ako ganun kalakas. hindi ako Diyos. isa lamang akong trahedya at malupit na bagyong dumarating sa mga buhay niyo.Sinusubok ang katatagan niyo at hinahamon ang kahinaan niyo.

nakita ko na ang sukat ng inyong tibay , kaya naman ang susunod na hangin na tatangapin niyo ay may basbas mula sa mga dakilang delubyo. ako ang hanging muling babalik sa inyo taglay ang kapanyarihan at sumpang isisigaw niyo.
Muli kong tatangayin ang bawat pag asa, kung paano niyo ito itinayo gamit ang napakahinang pundasyon at mga gapos na hibla, sayang ang inyong pag kukumpuni, sayang ang pako, yero at tablang hinilera niyo, maging ang inyong mga bakal at semento na hindi ganap at hindi nagmula sa banal na presyo!

Sayang ang tulong ng inyong kapwa mula sa ibat ibang panig ng mundo. baka hindi na ito maulit. dahil sa napakalala ng anomalya ng pamahalaan ninyo. ewan ko lang sa isang inupo niyo. mukhang matibay at sana kayanin niya ang bigwas na ipapalasap ko.

AKO ang panganay na kapatid ni YOLANDA. Kung sa tingin niyo ay malupit ang kapatid ko, mas higit ako! ang aking galit ay nag aalimpuyong hangin na mula pa sa mga dulo ng mundo. hindi pa ako naitatala sa kasaysayan. Parating pa lamang ako, iniipon ang lahat ng iyong kahandaan para sa sulit na dapo sa inyong silanganan.

Maghanda kayo. dahil hindi na sasapat ang iyong mga kanyong pandigma at mga barko para harapin ako. higit lalo, na gusto ko kayong mag kaisa dahil lahat ng maaaninag kong nag iisa ay tatangayin ko. pipira pirasuhin ko, at iiwang durog ang puso.

Wala na akong ititira, 

malibang kayo ay tumayo at yakapin ang bawat isa. Mag kaisa.  ako ay isa lamang hangin na muling dadaan sa inyo. 

Highlights

  • 1
    Maliban sa PRESIDENTE DU30 niyo Ikaw ba ay kaisa sa pagyakap upang bumigat ang bansang ito?
  • 2
    May magagawa kayo para linisin ang basurang bumabara na ng sampung taon sa inyong mga hukay at estero

Pero dahil sa kahinaan niyo, at pag ka kanya kanya. Ako ay muling mag wawagi at iiwan ang kalupaan niyong wasak at may galos sa pusong hirap pag hilumin na. WAWASAKIN kong muli ang iyong mga buhay, at sapag kakataong ito, ipag dadamot na ng mundo ang tulong na dating tinanggap niyo dahil sa katigasan ng inyong ulo.


HIndi na kayo natuto sa mga lindol na natamo niyo, BAHA na lumusaw sa mga ari arian ninyo, mga bagyo, tag tuyot na sumira na sa kabuuan ng agrikultura niyo. 

Kung tutuusin. may magagawa kayo para iwasan ako. Higit pa sa pagyayakapan niyo para  bumigat ang timbang niyo ,makabuo ng toneladong piraso na hindi kayang buhatin ng hangin at mga demonyo ng tubig sa mundo.

May magagawa kayo para  patibayin ang bubong ng bahay niyo,
May magagawa kayo para hindi umagos ang tubig mula sa mga bundok na kinalbo niyo
May magagawa kayo para linisin ang basurang bumabara na ng sampung taon sa inyong mga hukay at estero

May magagawa kayo para Diligan ng tubig ang tigang na lupang nag kakalyo kalyo
higit sa tulad kong bagyo.

May magagawa ba ang mga dasal niyo?
May magagawa pa ba ang Opinyon niyo?
May magagawa ka ba? para patibayin ang bansa mo?

Kung meron.
Ano ito?

Maliban sa PRESIDENTE DU30 niyo
Ikaw ba ay kaisa sa pagyakap upang bumigat ang bansang ito?
o isa ka sa mga bumitaw at magaan na nag patangay sa hangin ng bagyo para lalong humina ang bayang ito?

Parating na ako.  narito na ang hudyat at Muli ito ang aking babala
Ang BAwat matang makita kong nag iisa ay tatangayin ko at hindi na muling ibabalik pa!

Muling tatangis ang bayang ito
at kanyang makikita sa isang umagang iyon!

Kung mas mabigat lang sana ang nakapatong na gulong sa bubong 
Kung mas mabigat lang sana ang kahon, 
Kung mas mabigat lang sana 

ang rason...

VIRAL: ISANG LIHAM MULA SA KAPATID NI YOLANDA

Share
  •  
    Copyright © INFOGRAPIX | Designed by Templateism.com | WPResearcher.com | Blogger Templates