Ratings: 4(Hits:7,145,678) (Views:7,123,567)
★★★★☆
I find this video very interesting, pinag kumpara niya ang uri ng pamahalaan ng Singapore bago pa ito naging isang maunlad na bansa, nabanggit din dito ang pagiging tropical country ng Singapore at kung paano ito ginagaya ng Pamahalaang China. Biruin mo. kung tutuusin napaka liit na bansa ang Singapore, Limitado ang natural resources nito. mas di hamak na mas malaki ang Pilipinas. mas Mayaman sa Likas nitong kayamanan. Pero ang Singapore sa kabila ng kokonti nitong Resources nagawa nitong napaka unlad. Disiplinado kasi ang mga tao sa bansang ito. Isa sa aking kaibigan na nag ta trabaho dun ang nag kwento na kahit mag kalat lang ng balat ng candy ay may batas sa bansang ito na nagbabawal mag kalat o  magtapon ng balat ng candy sa kalye. kapag nahuli ka. katakot takot na asunto ang aabutin mo lalo daw kung turista ka sa lugar na yun.  malaki ang penalty bukod pa sa mabibigyan ka ng BAd record sa kanilang mga authorities.

Isa lamang po ito sa halimbawa na nagawang pag tagumpayan ng Singapore, Kaya din kaya ng Ating Bansang Pilipinas na baguhin ang ekonomiya nito? 

Pero mga kainfo. bukod sa disiplina na kailangan nating ma adapt. nariyan pa din naman ang problema sa ating Kultura at mga Tradisyon.  Marami pa din tayong mga lumang paniniwala at hindi natin ito basta naitatapon dahil minana pa natin ang ilang kaugalian sa ating mga ninuno. yung iba ay may magandang naidudulot naman. pero karamihan sa mga ito at imbes na makatulong sa pag unlad natin ay nakakasagabal ito dahil ginagawa natin itong dahilan para hindi gawin ang ilang repormasyon na dapat matagal na nating nagawa.

Habang papaunlad ang ibang mga Bansa na dati ay katulad nating nasa Third Word Country, patuloy din ang Pilipinas sa pakikibaka sa sarili nitong kultura. Pamahalaan at Pakikidigma sa kanyang sariling mamamayan. Isang uri ng sistema na nag iiwan sa ating bansa na maging talunan at under Dog ng mayayamang mga Bansa. 

Sana ay mag karoon na tayo ng isang matinong pagkakataon, at magandang halimbawa. para umusad ang ilang nabulok na nating mga ideya at proposisyon para maging mas maunlad ang ating bansa. pero hanggat ang bayan natin ay HAti sa bilang  ng oposisiyon na laging may masasabi para tuligsahin ang pagbabago. mananatili tayong naka kadena sa lumang emperyo na pawang iilan lang ang pi no protektahan nito.  ang mga elitista at mayayamang na gustong kontrolin ang monopolisasyon sa ating bansa, na laging naka buntot sa ating mga Politiko na sipsip sa kayamanan at hayok sa pansariling pag unlad.

panahon na para magsulong tayo ng isang Bagong Sistema.
Reporma sa ating Gobyerno at uri ng malawakakang pag babago sa mga rekomendasyon at batas na ukol sa ating kasarinlan at pang global na estado upang palawakin at palakasin ang ating pam bansang ekonomiya.

Tungo sa mas makabuluhang pagbabago, na mararamdaman ng isang ordinaryong Pilipino.
Na mas mapapakinabangan ng buong Sambayanang Pilipino



VIRAL VIDEO ON HOW FILIPINO ELITES BLOCKING THE REFORMATION IN THE PHILIPPINES

Share
  •  
    Copyright © INFOGRAPIX | Designed by Templateism.com | WPResearcher.com | Blogger Templates