So alam na natin ang balita, Panalo ang Pilipinas sa arbitration case na inihain laban sa China, Walang duda. sa atin ang West Philippine Sea at walang anumang basehan ang China para sa kanyang claims sa sinasabi nilang 9 Dash Arguments sa sarili nilang mapa.

Sinasabi nilang sila ang unang naka diskubre ng kanilang teritorial waters at anumang resulta at desisyon ng tibunal ay hindi nila gagalangin. ''ANGAS no? ''  Angas talaga! kung sa pag ka bully eh wagas ang bansang ito. biruin niyo mga kababayan. kahit i google map niyo at tignan ang aerial view ng Pilipinas at China, even Old maps are telling the evidence na dati pa ginamit na din ang scarborough shoal ng mga emerikano nuon para gawin testing ground or practice area. that was the 60's and 70's ng ating dekada. magtataka kayo bakit nung mga panahong yun hindi sila nag rereklamo? it's because alam nila na hindi pa panahon para kamkamin nila ang isla.

At nung nag karoon ng pagkakataon, pinag aralan nila ang kahinaan ng ating bansa, pwersang militar maging ang politikal na aspeto. nagtagumpay sila dahil anga ting bansa sa panahong ito ay wala ng kakayahang maipagtanggol ang sarili. Para na lang tayong bubuwit na kumakain ng insekto at ng dumating ang mas malaking hayop. inagawan ito ng pag kain. at walang nagawa dahil malaki ang kalaban.

Yan ang senaryo, isang mapait na katotohanang inabot ng ating bayan sa kuko ng mga makapangyarihang mga dayuhan. Kung tutuusin. may kakayahan ang Pilipinas na maipagtanggol ang isla. naging pabaya lamang tayo. iniwan nating naka tiwangwang ang isla. hindi na develop, hindi nilagyan ng poste ng seguridad, walang nagbantay na mas nauna. hanggang sa mapasok ito ng China, nakita ang potensiyal. at huli na ang lahat ng malaman nating sila ay naghahari na sa isla na pinangingisdahan ng ating mga kababayan.

Napanood ko ang balita, nakita ko din ang katibayan na sa atin talaga ang isla, ang mga mapa, maging ng mga certifcate at dokumento na nagtuturo na pag aari ng bansa natin ang isla,

Pero bakit matapang ang China? at hindi igagalang ang Desisyon ng Tribunal?

Malaki kasi ang kumpiyansa ng bansang ito na hindi tayo papalag kahit manalo tayo sa arbitration case.

at meron lang na din tayong idadagdag, isang dahilan kung bakit hindi na natin kayang banggahin ang China.

1. Malayo ang agwat natin sa Technology nila, sa language pa lang talo na tayo. Kaya nilang Makipag ugnayan sa Wikang ingles, pero hindi sapat ang kakayahan natin para maunwaan sila sa kanilang Wika, isang implementasyon na mas mahina na tayo, Kung sa labanan ng CYBER War, para sa inyong kaalaman ang CHINA ang may pinaka matatalinong underground Hackers, at I.T Programmers.

2. Kakayang Militar: Mula sa Bomba, baril, at Makabagong mga armas, Nuclear maging mga sopistikadong pandigma Meron sila, Anumang Oras. kung darating ang Digmaan handa sila, Baka Isang Pindot lang. BURADO ang mapa ng Pilipinas

3. Economic Strength: Subukan niyong bumili ng Branded na Cotton Bud na gawa sa Pilipinas, Mabibili mo ito ng 38.50 pesos. nasa 50Pcs lang ang laman nito, Subukan mo ding Bumili nh Cotton  Buds sa palengke . tatlo sampu, each pack may laman na tig 80pcs.

Lighters, Electric fans, Tabo, Timba, Kolorete sa mukha, salamin, Lotion, Insecticides, Name it ang you have it! halos lahat ng Produktong ginagamit nang average Pinoy ay gawang China, SO? pano mo babanggahin ang bansang ito?

Ang buy and sell sa Pilipinas sa kategorya ng bawat industriya ay hawak nila ang Pinaka malaking Porsiyento. Aam niyo bang ang China ay nag po provide na din sa bansa natin ng BAwang at Bigas? yes mga ka info! IN OTHER WORDS: BINUBUHAY NA TAYO NG BANSANG ITO. gets? umaasa ang milyong Pilipino sa Kabuhayan na Kaya nilang ibigay sa atin. KUNG WALA SILA, malamang WALA KA DING MABIBILI SA DIVISORIA na murang mga TOYS, palda, T-SHIRT or School Supplies na kung presyo lang ang pag uusapan. TIba tiba ang mga Bussines Owners,at malaki ang naitutulong sa kababayan nating nag titipid.

I will share a story with you mga kainfo, isa sa Family Business namin ay BUY AND SELL, dito niyo malalaman ang isang Sikreto. alam niyo ba kung magkano ang tunay na puhunan ng COTTON BUDS?  .25 cents lang mga ka info! pero para makuha mo ito kelangan nasa 100,000pcs ang bibilhin mo. It's ok. kung may grupo ka to do the trade. kahit apat lang kayo sa grupo, you can control the monopolisation game sa distribution at whole sale wars.

Ang china ay kayang mag provide ng kahit na ano na yatang products, kahit ballpens, kaya nilang gumawa ng sarili nila. at alam niyo bang halos ang mga factory ng mga maliliit na bagay bagay at gamit sa china ay ginagawa sa bakuran lang ng mga bahay bahay nila? yes mga ka info. Ang mga bahay dun ay may mga Pagawaan ng kung ano ano. kaya nga ang Polusyon sa bansa nila ay extremely heavy.

Pero balik tayo sa usapan sa kakayahan nilang mag supply sa demands ng isang bansa, Mababa ang kanilang pa sweldo kaya nga gustong gusto mag invest ng mga foreigners sa kanila dahil sa mababang costing sa man power. madami kasing tao sa China Malaki ang populasyon nila. kayang Tustusan ang pangangailangan sa anumang uri ng trabaho na kanilang kailangan.

 SO? Anong connect?

Simpleng Simple!  hanggat ang BANSA NATIN ay UMAASA SA CHINA, para lamang tayong Lamok na anumang sandali ay Kaya nilang Tirisin! isa silang higante, aminin natin ito, at hindi natin kayang sumabay sa kanila.

Pero may paraan mga kababayan,

Kapag dumating ang Panahon na UBOS na ang CHINESE DRUG LORD SA BANSA , kapag dumating ang panahon na mag susulong ang Gobyerno natin para ayusin ang ating Agrikultura at magsisimula na tayong mag tanim ng sarili nating palay, at Bawang, tayo na ang mag iimport sa ibang bansa, at hindi na tayo aasa sa mga Produkto ng ibang bansa. KAPAG ang presyo ng COTTON BUDS ay hindi 38.50 Pesos at pwede ng mabili kahit Piso man lang isang pakete. Kapag wala ng PINOY na nag aabroad sa CHINA,



BAKA sakali! baka,  ANG CHINA ay mag iisip, na ang PILIPINAS ay handa nang Lumaban at makidigma.

PILIPINAS. kelan ka nga ba aahon? kelan pwede kang gumawa ng sarili mong brand ng Ball pen? lapis? papel? na mabibili ng mura?

Ang problema sa ting bansa, Pinag pipilitan nating sabihin na '' TANGKILIKIN ANG SARILING ATIN'' pero pag nakita mo ang etiketa. mapapamura ka.

Ang Kailangan ng Pinoy ay Produktong KALIDAD at MURA. pag sinabi nating mura. yung kayang SUmabay sa Presyo ng CHINA, Gets?

Kalimutan niyo na ang Scarborough Shoal. Mag patuloy tayo. Mag sikap. hanggang dumating ang Panahong masabi natin sa kanila. LUMAYAS KAYO! HINDI NA NAMIN KAYO KAILANGAN! At pag dumating ang Panahong yun! Makikita ng buong Mundo,  Na si DAvid ng lumaban kay GOLIATH. naging matagumpay. hindi lang sa ito ay buo ang pananampalataya kundi siya ay naging handa, at sapat ang kakayahan para talunin siya.

Pero para mangyari yun. mahabang usapan yan mga ka info. depende sa mga naka upo, depende sa Sarili din natin mismo. Depende sa DISIPLINA na meron ang bayang Ito,Isama mo na ang Swerte, Klima ng bansang ito na napaka ganda, kasama ang Likas nitong yaman, na kina iinggitan nila.

oo nga ano? '' KEYWORDS''  likas na yaman!
haist! kelan ba natin makikita ito?
 Ratings: 4(Hits:2,145,678) (Views:2,123,567)
★★★★☆

BAKIT HINDI KAYANG BANGGAHIN NG PILIPINAS ANG CHINA?

Share
  •  
    Copyright © INFOGRAPIX | Designed by Templateism.com | WPResearcher.com | Blogger Templates