''Kung wala po talagang tatayo eh, ako na po ang magiging ground commander.
 Sabi niya teka lang Benjie, hintay ka lang Benjie.''


Ito ang isa sa mga naging pahayag ni Ex-CIDG Chief Benjamin Magalong, sa isinagawang congress investigation sa paglaganap ng droga sa New Bilibid Prison (NBP). Ayon kay Magalong, matagal silang naghintay sa GO SIGNAL ni dating Justice Secretary Leila De Lima para isagawa ang raid sa Bilibid, na pinangalanan nilang Oplan: Cronus. Pero nagulat na lang sila nang ni-raid ang Bilibid na hindi kasama ang CIDG. Ang CIDG ang nag-konsepto sa Oplan:Cronus.

Marso ng 2014, nakakuha ang departamento ni Magalong ng mahahalagang impormasyon tungkol sa malalang kalakaran ng droga sa NBP. Ipinagbigay alam nila ito kay De Lima at minungkahing magsagawa ng raid sa piitan. Ibinunyag din ni Magalong na mayroong ilang otoridad na kasabwat sa pagre-recycle ng droga at ang mga ito raw ay konektado sa mga drug lords sa Bilibid.

General Magalong and Operation Cronus explained The Suspicious raid operation made by De lima

Share
  •  
    Copyright © INFOGRAPIX | Designed by Templateism.com | WPResearcher.com | Blogger Templates