Bago ang lahat binabati ko kayo ng isang mapayapang araw at naway makarating sa inyo ang mensahe ng  liham na ito kasama ng aking taos pusong pasasalamat.

Isang pag pupugay sa mga kawal na nag tataguyod ng katarungan, sa inyong pag papagal at pakikidigma upang itaguyod ang dalisay na paglilingkod sa bayan. Higit lalo ang aking taos pusong pasasalamat dahil muli kong nasilayan ang pag asa at sumibol ang munting pangarap upang pagningasin  sa aking puso ang kagustuhan kong magbago. Muling mayakap ang dating pagkatao. na minsang naging marangal.malinis. makatao at may respeto.

Ako ang mukha ng kadiliman. kawalan ng pag asa dahil nagdurusa sa loob ng piitan.pero muli kong sinikap na bumangon mula sa mga kalansay at buto ng lugar na ito. ang apoy ay tinupok ang aking budhi. ang tanging naiwan ay mga abong nag papaalala sa aking mga  naging kahinaan at kapusukan.

oo, tama! ako ay nabili ng kinang ng salapi.nabulag sa pangarap at ambisyon ng paraisong dala ng impiyerno sa loob ng kulungan. ang mga rehas ng bakal ay isa pa ring kalayaan. mas makapangyarihan. mas marahas ang obsesyon at mas pino ang mga lihim na mahirap makita.

Ako nga ay nagtagumpay: Sinakop ko sila, ang mga gwardya, ang mga Rebelde ay aking pinag sama sama. ang mga kilusan na pinalakas ng dugo at alyansa. Inari kong mag kakapatid at mag kakatugma. ayon sa kulay ng kanilang mga tinta. at pinta.

Itinatag ko ang isang kultura. isang lipunan nang bagong demokrasya na ang hari ay pera. at ang bulok na hustisya ay ang reyna. Ako ang kanilang panginoon at bagong sinasamba kapalit ng laman at grasya. sinong mag sasabi na ang piitan ay isang parusa? isa itong himala dahil maari nitong ibigay ang lahat maging respeto at hustisya. Salapi, kapangyarihan at maging pag ka diyos ay maari pala?

Ngayon.  nakita ito ng madla. nabisto ang mga kulay at iba pang moro moro at himala.
Sino ang tunay na salarin? sino ang may sala? Ako ba na umasa ng kalayaan sa labas? o sila na nangarap ng ambisyon at gustong lamunin lahat ng pilak?

ako ay inosente,  isa lamang akong piping saksi sa kaganapan at pangyayari. Sa mga panahong lumipas na ako ay pinag laruan at  niyurakan. ng mga taong nasa posisyon. ng mga taong gobyerno na lumamon sa kabanalan at dignidad ng akinh mga preso. 

Lumikha sila ng mga pader at bartolina . ginawang ka sosyo ang mga pader ng aking Piitan upang mag ka pera. hinalay ang mga batas at ginawang pamunas sa aking mga bilanggo.

Sino ngayon ang nakakahiya? sino ang Kriminal? sino ang tunay na mamatay tao?
Sino ang tunay na salot ng bayang ito? 

Ngayon at dumating ang pag kakaton upang ako ay linisin, bakit ang daming tanong at argumento?
hindi pa ba sapat na napuno ko ang lugar na ito? magsiksikan ang mga tao dito? pag kasyahin ang lahat ng masasama bawat sulok ng mga pader ko?

Ang bayang ito ay sumasalamin sa bawat aspeto ng aking kwarto, MALIIT, siksikan, Magulo, Mainit. Maingay. Masikip. Limitado. walang direksiyon. ayaw mag bago. 

Ano ang pinag kaiba sa labas at loob ko? 
Kung tutuusin , ang kultura ng bayang ito ay halintulad sa mukha ng mga bilanngo. Sa mas maliit na barometro. ang Aking Piitan ay ang pinaliit na modelo ng bayang ito.

mabagal ang usad ng bawat kaso, mula sa simpleng paratang nang pagnanakaw ng kalabaw, hanggang sa maling  pag sasa ayos ng mga kalye at estero. pinag sama sama. ang litrato ng pangit na imahe at kurapsiyon, mga replika ng paulit ulit na kaso. pag patay. panggagahasa, pagnanakaw. sabihin mo na lahat ng bagay na ayaw mo sa ating republika. isama mo na ang mga magagandang usapan na may sahog ng baluktot nating kultura at mga pananaw sa buhay, relihiyon at pulitika.

Ano ngayon ang pinagkaiba ko sa lupang malaya niyong ginagalawan?
Pag masdan niyo ang aking kasamaan. hindi bat ito rin naman ang inyong mga kasalanan?
Ang isang Inutil na pamahalaan sa loob ng aking sistema na nadadaig sa kanyang kakulangan at kawalan pag galang sa bayan.
Ang isang Politiko naman sa labas na  pinatatakbo ang lipunan pero sangkot sa anomalyang mga paratang. 

Saan tayo maaring magtagpo? mag usap at mag kasundo?
Sa paraang HIndi tayo nag kakasakitan at mag babangayan?

Meron bang natitirang maaring mag tanggol sa kabutihan ng bayan?
Meron bang mangangahas linisin ang basurang matagal nang nakatambak sa daan?
Meron bang Tatayo? at aako sa Obligasyon?
MERON BANG PINUNONG MAKAKA INTINDI SA KALAGAYAN NG ATING KULUNGAN?

ANG kulungan ng bayan?  Ang Pinalaking bakuran ng BILIBID? 
Paano na lang mga susunod pa sa kulungang ito?

Biyayang maituturing na tayo ay nabigyan ng pagkakataon na mag linis , 
Pag kakataon na Tayong lahat ay bumalik sa ating mga katinuan at sarili
Pag kakataon na makita ang Bawat preso at kulungan sa ating mga sarili
Bilanggo sa ating marupok na mga pundasyon at mga gawi
Mga batas na pumipigil sa atin upang kumilos ng mas malakas at may kakayahang magwagi

Saang pagkakasala maari tayong maging kriminal sa bawat isa?
Kapag nawala na ang pag ibig natin sa Bayan, kapag hindi na umusad ang bayan dahil sa kanya kanya nating mga tinta at pinta. 
Kapag ang mga preso sa kulungan ay bumuo na ng kanya kanyang alyansa
katulad ng  mukha at estado ng ating modernong Politika

kaylan maaring nating umpisahan ang Pag lilinis?
sa Pag tanggagal ba ng kalawang sa mg bakal ng rehas na Kulungan?
O sa pag sisimulang Pag husayin ang Itatayong kulungan?

Kaylan maari nating sabihin tayo ay nagwagi sa labang ito?

Kapag ang Bilibid ay hindi na pinamugaran ng mga agila na kumakain ng sisiw
Kapag ANg Pilipinas Ay Pinamunuan ng Sisiw
Kapag ang Bayan ay kaya ng tanggapin na maaring Linisin ang BILIBID  
Kapag Nagkaisa ang Agila at Sisiw

Ako ang Bilibid. Ako Ang Pilipinas
Ako ang bayang punong puno ng preso
Siksikan, Masikip, Agawan ng Puwesto

Post By- Jone Estabillo


A LETTER FROM BILIBID: Ako ang Bilibid. Ako Ang Pilipinas

Share
  •  
    Copyright © INFOGRAPIX | Designed by Templateism.com | WPResearcher.com | Blogger Templates