Kahit sa Hearing na naganap sa pag i embestiga ng Drug Proliferation sa Bibilid,  at pag pasa ng legislative aid. makikita mo na kung paano mag pataasan ng ihi ang mga kongresista.hindi mo malaman kung ano ang pinupunto. kung gusto lang bang mag papansin at maki gulo? gustong ipakita kung gaano ka galing? 

Ang problema sa Ating Bayan kung minsan hindi ang uri ng  Pamahahalaan ang dapat yata nating tignan. kundi ang uri ng mga Politikong nag papatakbo nito. Kahit siguro maipasa ang Federal Government kung ganito ang pustura at asal ng ating mga Politiko abay hindi na ako mag tataka na kahit sa pinaka simple at hindi complex na uri ng demokrasyang pamahalaan ay hindi na tayo nag kakasundo.  

Sa tooo lang. ito ang Pinaka pangit na sistema na meron tayo,  Ang pagiging Utak Talangka. hilaan at bagsakan. hindi lang sa opinyon at klase ng mga paniniwala ng ating mga pinuno.pag masdan niyo a ng mga hearing natin. ang mga pag dinig. nakakahiya, na uma aabot ng napaka habang orasyon bago dumako sa main topic. Ang daming Arte, diskusyon at argumento. Ang sarap pag hahambalusin ang mga Pulitikong ito. naturingang mga Pinuno pero walang mga Disiplina at dignidad. Ang nais lang ay Puntuhin ang Sariling opinyon. 

matanong ko nga lang po? mga kagalang galang na POLITIKO sa Kongreso at Senado.
Kapag ba ang Diskurso na may kinalaman sa pag pababuti sa bayan may dapat bang pag awayan?
sa tingin ko wala naman. lalo na kung pareho namang ito ay may layuning pagandahin ang ating bayan. sana naman kung ang Pag uusapan ay sa ikagaganda din lang naman. huwag niyo na pahabain pa ito ng mga walang kwentang argumento at hindi naman nakakatulong ito.bagkus lalo lamang nagpapagulo.

Nakaka umay kayo tignan. kaya ganito kabagal ang pag usad ng ating bayan dahil isa din kayo sa mga nag papagal nito. Ok fine! andun na tayo sa point ng pag lilinaw at pag analisa. pero hindi ba mas dapat tignan niyo din ang mga konsekwensiya ng mga matatalino niyong pag susuri? ito ba ay nakakatulong sa pag papabilis? o nakaka sagabal sa Pag usad ng inyong ginagawang pag dinig?

Ang problema kasi sa inyo. Masyado kayong matatalino at ang utak niyo ay inilalagay niyo sa kaisipang dapat gamitin ito para ipakita na meron kayo nito. Bakit hindi niyo na lang buksan ang inyong mga puso? tutal. nandyan na din lang kayo. Ang tamang pag gamit ng UTAK sa Gobyerno ay dinadaan sa pinaka simple nitong anyo,

Ito ay naka base sa marubdob na kagustuhang magsilbi at mapabuti ang mga mamamayan, kasabay ng mas malinaw na  konsepto, mas simple, mas mabilis at hindi kumplikado. 

Ang bayan natin ay hindi nangangailangan ng PAGBABAGO. hanggat kayo ay hindi nag kakasundo.
Minsan nang nag lakbay ang bawat kasaysayan taglay ang ibat ibang konsepto ng pamamahala. Pero mula noong naimbento ang Modernong Pamahalaan na tinatawag nating ''GOBYERNO'' ang mundo ay nagsimula ng mas lumabo at mas magulo

kahit mabigay pa sa Pilipinas ang pinaka magandang Uri ng sistema at mataas na uri ng Gobyerno.kung ang mukha ng bawat Pinuno ay may kasakiman sa puso at ang isipan ay punong puno ng argumento,Kelan uusad ang bayang ito?

Ano po ba ang mas mahalaga sa inyo? ang bayan o ang sariling opinyon niyo?

Switch to Federal Parliamentary System
ito yung hearing in the House of Representatives (HOR)
Before the break, a seemingly pissed Barbers interrupted Pichay’s manifestation regarding the holding of a constituent assembly (con-ass), saying “Let’s stop entertaining stupid motions here, let’s not pretend to be Constitutionalists.”

Highlights

  • 1
    Philippines Do not need a change of system, but a change of Political candidates
  • 2
    Wa lang silbi kahit mabago natin Form of goverment kung ang mga politicians ay utak talangka

THE PHILIPPINES NEED BETTER POLITICIAN. NOT THE SYSTEM. BUT THE POLITICIAN ITSELF!

Share
  •  
    Copyright © INFOGRAPIX | Designed by Templateism.com | WPResearcher.com | Blogger Templates