The burial of former President Ferdinand Marcos has rekindled the wounds of those have been affected by the Marcos’ regime.

Opinions on the issue still continue to pour out from various corners of the social media
Journalist Anthony Taberna shared a different perspective on the issue which he posted on his Instagram account.

Last November 19, Taberna said that the Supreme Court shouldn’t have
allowed Marcos to be buried in LNMB and the President’s remains should have just remained in Ilocos Norte.

“Kung ako ang tatanungin, mas maigi na hindi na lamang pumayag ang mayorya ng mahistrado ng Korte Suprema na ipalibing siya sa Libingan ng mga Bayani. Ang problema, hindi naman ako tinatanong. At saka, wala naman akong monopolyo ng opinyon.

Pihado, karamihan sa atin kungdi man lahat ay nabigla nang malaman na andun na sa LB o LNMB ( ano nga ba ang tamang acronym) sa Taguig (dating parte ng Makati) ang pamilya Marcos para sa seremonya ng libing. Naisip ko, naisahan tayong lahat lalona ang mga taong ang default system ng utak ay galit o nasusuklam sa mga Marcos, matanda man o
millenials, pulitiko man o aktibista. Nalilito lang ako ng konti dahil ayaw nila na tratuhing bayani si Marcos pero ayaw din naman nilang gawing sikreto o pribado ang libing gaya ng ginawa kahapon. Ano ba talaga Kuya?

Nagsumbong sila sa Supreme Court pero nang hindi nakuha ang gusto, nagalit sa mga mahistrado. Ano kaya’t kung ang ginawa ay ganito – iminartsa ang karwahe mula sa Batac, dadaan sa Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Tarlac, Nueva Ecija, Bulacan hanggang sa EDSA patungong Fort Bonifacio?”

He also pointed out that the burial done to the former President is not qualified as hero’s burial.
“Ito ba ang gusto ni Kiko Pangilinan ( LP President) at iba pa? Maliban sa 21 – gun salute na ibinibigay sa isang namayapang Pangulo, wala ng anumang palatandaan na hero’s burial kay Marcos. Kahit magbasa tayo ng kasaysayan dito at sa iba pang bansa, hindi papasa bilang hero’s burial Ang ginawa kay Marcos.

Hindi naging bayani si Marcos kahit nalibing pa siya sa LNMB. Kung magiging istrikto tayo, baka nga mas marami pa sa uban (puting buhok) ni

Congressman Edcel Lagman ang mga bangkay na nilibing sa LnmB na hindi naman bayani. Nirerespeto natin ang damdamin ng bawat isa pero wag namang OA. May mga kaibigan ako na nakulong at namaltrato noong panahon ng Martial law at ngayon ay umaamin na mas masahol pa sa pangungurakot at pagiging abusado at pagka-inutil ang ilang sumunod kay Marcos.”

In his conclusion, he agreed that studying our history again is something that we should do, but we should not dwell on it. It may be the reason why we can’t go on and face the greater future ahead of us.

“Tama naman na balikan at mag-aral sa kasaysayan pero ang bumabad dito na wari’y wala nang kasalukuyan at bukas ay baka makapigil sa ating pagtahak sa hinaharap. Ilibing na din natin ang poot sa dibdib.”

ANTHONY TABERNA: TRENDING POST ABOUT MARCOS BURIAL

Share
  •  
    Copyright © INFOGRAPIX | Designed by Templateism.com | WPResearcher.com | Blogger Templates