Itinutulak ni Sen. Leila de Lima na maimbestigahan sa Senado ang ilang investment projects na napagkasunduan nang bumisita sa China si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa inihain niyang Senate Resolution 222, nais ni de Lima na mabusisi sa Senado ang may 17 investment deals.

Sinabi ni de Lima na may mga pagkakataon na nadidiskubre ang mga anomalya sa mga proyekto kapag nagastusan na ng gobyerno.

 Pinuna ni de Lima na may mga Chinese companies na inimbestigahan ng World Bank dahil sa mga maanomalyang transaksyon.

Paglilinaw naman ng mambabatas, hindi niya hinaharang ang mga proyektong pang ekonomiya ng administrasyon kundi nais niya lang matiyak na walang mga batas na malalabag hinggil sa mga isasagawang proyekto.  

De Lima: PAPAIMBESTIGAHAN ANG MGA Investment Na Pinasok Ng Pilipinas Sa China

Share
  •  
    Copyright © INFOGRAPIX | Designed by Templateism.com | WPResearcher.com | Blogger Templates