Credits po sa may ari ng story: Kay Sir Ronald Machete 

Isang Special Child ang ipinasyal ng kanyang Mommy sa Timezone Arcade sa Trinoma. ...nagustuhan ng bata ang Super Mario sa isang Toy Gola kaya nagpabili ito ng tokens para subukang damputin ito, maraming tokens ang naubos ng bata para lang makuha ito subalit bigo sya hanggang sa makauwi na sila ay di mawala wala sa isip ng bata ang Super Mario Stuff Toy na ito.
Noong bata pa ako ay isa si Super Mario sa pinaka paborito kong Comic Character kaya naman mula sa tsinelas, damit, sumblero laruan at maging sa Family Computer Games ay isa ito sa nakahiligan ko.

Dahil sa kasikatan din ni Super Mario noong panahon ng kabataan ko ay kabi kabila ang mga character na makikita mo sa paligid-ligid. Isang araw nung malapit na ang Tour ko sa Vietnam (Essensa Naturale Tour Incentive) merong isang Special Child na malapit sa akin, tinanong ko sya kung ano ang gusto nyang pasalubong, sumagot sya at sinabing “Super Mario Stuff Toy po” ang bilis ng sagot ko... Ah! ok sige bibilhan kita nyan sa Vietnam.

Nung nasa Vietnam na ako napasyal ako sa Night Market para mamili ng mga pasalubong pauwi sa pinas, sinimulan ko naring maghanap ng Super Mario Stuff Toy sa pagkaka akala ko na marami nito duon o madali lang hanapin ngunit bigo ako sa 2 gabing paghahanap. Isang araw nalang at babalik na kami sa Pinas ngunit wala paring Super Mario Stuff Toy, pinasok ko ang malalaking Mall, mga bilihan ng laruan, mga tiangge style market ngunit wala parin. Nakauwi na kami ng Pilipinas at binigyan ko nalang ng Chocolate ang Special Child na pinangakuan ko ng pasalubong, malungkot ang aura nya, naka yuko, di nagsasalita, bakas ang disappointment sa kanya, nabanggit sa akin ng kanyang nanay na magdamag daw na malungkot ang bata at halos umiiyak. 

Ganun talaga ang mga Special Child, matampuhin, moody, kailangan ng malawak na pang unawa at mabuting pag aalaga. Wala akong magawa kundi TUPARIN ANG PANGAKO ko sa kanya para di na sya umiyak, di na sya malungkot, di na sya madisappoint at syempre para maging masaya sya. Napaka liit na bagay, napaka simpleng Super Mario Stuff Toy pero malaking halaga sa isang Special Child dahil bukod sa yun ang gusto nya ay naipangako ko pa yun sa kanya. Sinubukan kong mag hanap sa mga online shop, olx at ayosdito pero walang kahit isang Super Mario na kagaya ng gusto ng bata, meron man ay maliliit na yari sa plastic o kaya ay mga coloring book lang. 

Naisipan kong balikan ang Arcade kung saan nakita ng bata si Super Mario. “Tama! pupunatahan ko ang Timezone sa Trinoma at ako ang dadampot sa Toy Gola” yan ang brilliant idea na agad kong naisip. 

Dahil sa tuwing magkikita kami ng bata ay di na nya ako halos kinakausap, parang may tampo sya sa akin at kung pwede nya lang sabihin sakin na “Sinungaling ka, wala kang prinsipyo at di marunong tumupad ng pangako” Dali dali akong pumunta sa arcade at agad agad bumili ng Card (loading card) ito na ang ginagamit sa mga playing machine duon at pinaloadan ko ng 500 pesos at kako di ako titigil hanggat di ko nadadampot si super Mario.


Sa kasamaang-palad ay sira daw ang machine at di pa pwedeng i-operate dahil may papalitan daw na pyesa at di pa dumadating ang pampalit.
Ako naman ang na disappoint, pati ako apektado na hahaha! ako na ang na-stress at di magkanda ugaga kung papano makukuha si Super Mario. Naisipan kong kausapin ang Manager ng Timezone kung pwede kong bilhin ang character nayun pero hindi daw pwede. 
ko ang kaso ng Special Child pati na ang pagppursige ko kung bakit gusto ko itong maiuwi, kako maka magkasakit hyung bata kakaisip, dahil naging malungkutin ito at lagi nlang tahimik nung di ko ito naibigay. 
Naintindihan nman ako ng Manager kaya binigyan nya ako ng isang kundisyon, palitan ko nalang daw si Super Mario ng katumbas na 500 winning tickets, ang tickets ay nakukuha sa Machine bilang reward sa mga nilalaro mo, depende ang dami kung gaano ka kagaling sa laro o kung mkaka jockpot ka. Natuwa ako at na challenge lalo hehe!, sinimulan ko ng maglaro at nagtanong ako sa Guard kung alin yung pinaka mahirap na laro na may pinakamaraming reward tockets kapag nanalo at tinuro nman ng Guard sa akin at yun ang nilaro ko.

Madali lang syang laruin pero mahirap mkakuha ng malaking point, kailangan mo ng TIMING, TYAGA, PASENYSA at FOCUS dahil sa una nabobokya din ako, nag failed sa GOAL at di ko agad nakuha ang malaking points... pero sa kalaunan unti unti ko ng nakuha ang tamang diskarte hanggang sa naiipon ko na unti unti ang 500 tickets. 
 Habang nilalaro ko ang Machine sobra akong napaisip at kinakausap ko ang sarili ko. ...bat ko ba ginagawa ito? ...bat ba ako nagpapaka pressure dito? ...bat ko ba ginagawang bata ang sarili ko para lang sa isang simpleng Super Mario? Hanggang sa napansin ko na nakapalibot na pala sa akin ang maraming tao pati na ang Manager ng Arcade dahil halos isang oras na akong naglalaro sa machine.

Nagtataka na ang marami kung bakit ang dami daming tickets na kailangan ko. Nagtanong ang isang nanonood  
“kuya bat ang dami nyan para saan yan? Sumagot ako, “Gusto ko makuha ang Super Mario Stuff Toy for 500 tickets para sa batang pinangakuan ko nito”  
Sumagot nman ang Manager “Hes one of the BEST DADDY in this world” (akala yata ay para sa anak ko :) )
 SA WAKAS! naka ipon din ako ng maraming tickets! ;) (Goal Achieved ika nga haha!)
 Sinimulan na naming bilangin umabot ng 1,147 Tickets lahat
At kagaya ng pangako sakin ng Manager ng Timezone na kukunin nila si Super Mario once may 500 tickets na ako kaya nman binuksan nila ang sirang machine para manual na kunin si Super Mario.
SA WAKAS!!! HAWAK KO NA SYA ...may maibibigay na ako sa Special Child na pinangakuan ko nito at siguradong tuwang tuwa sya nito. babalik an ang sigla nya, babalik na ang saya nya, alam kong maiisip nyang hindi pala sya nabigo sa kahit ilang araw ng wala akong naiibot sa kanya, na kahit nakaubos na sya ng ilang tokens at di nya nakuha si Super Mario, kahit napasok ko na ang ilang mlalaking Malls at Tiaangge sa Vietnam... pero ito NATUPAD parin ang lahat ;)

Napakadaming LESSONS ang natutunan ko sa pangyayaring ito at isa dito ay ang PAGPAPAHALAGA
Pahalagahan natin ang mga bagay bagay na hawak natin o nasa atin na na ibinigay ng Panginoon. -Mga bagay na halos di mo pinapansin -Mga simpleng bagay na halos wala ng halaga sayo -Minsan akala mot nanjan lang -Akala mot madali lang makuha kase marami naman jan ....Pero kapag pala dumating yung NAWALA na ito at mahirap ng hanapin ay doon mo na mare-realized ang KAHALAGAHAN nito na para makuha mo ulit ay dadaan ka sa marming TRIALS, PAGSISIKAP, TYAGA at PAGPPURSIGE MATUTONG MAGPAHALAGA SA KAHIT ANONG KALIIT LIITANG BAGAY NA MERON TAYO .

~ Ronald Machete

VIRAL: Si Super Mario at ang Special Child (TRUE STORY)

Share
  •  
    Copyright © INFOGRAPIX | Designed by Templateism.com | WPResearcher.com | Blogger Templates