Hindi ko halos iniwan ang 3rd reading  sa Death Penalty. hanggang sa ito ay maipasa. ang pinaka huling pag dinig sa kongreso na kung saan 117 ang pabor para dito 54 ang hindi at 1 naman ang nag abstain. 

Kanya kanyang paliwanag ang bawat isa. Kontra at Hindi Kontra sa Death Penalty Bill. Pinakamalakas ang ukol sa paliwanag na ito ay tahasang paglabag sa karapatang pantao, at may ilan naman na pinunto ang ukol sa kabanalan ng buhay. at usaping kristiyanismo at pang espiritwal na aspeto.
 
MAy ilan din akong napansin. Ilan sa mga Nag salita at nag bigay ng Boto ayon sa kanilang sariling desisyon. at may ilan naman na nag desisyon batay sa kasunduan ng kanyang mga nasasakupang constituents, 

May ilan na kuno ay kumonsulta sa kanilang Partido. may ilan naman na nagdesisyon laban sa kanyang partido. may ilan naman na talagang obvious na bumoto batay sa kanyang pansariling opinyon at desisyon sa boto.

Bilang isang Mamamayan. na nakakaunawa sa maselang issue. sa aking pananaw ay ''WaLANG karapatan ang isang kONGRESISTA NA MAGSALITA NG  KANYANG SARILI. LIBAN NA LAMANG SANA KUNG ITO AY PAREHONG SUPORTADO NG KANYANG NASASAKUPAN''
bilib ako sa mga Kongresista na bagamat gustohin man sana nilang huwag bumoto sa Death Penalty at Nag desisyong Bumoto dahil ito ay kagustuhan ng mayorya at ng kanilang nasasakupan.
Ano pa ang silbi ng Tinig nang mAS  MARAMI KUNG sa bandang huli at pakikinggan ng isang mambabatas ang kanyang sarili kontra sa tinig ng mas marami? Para sa akin ito ay malinaw na kawalan ng respeto sa bayan. at satunay na kahulugan ng kalayaan.

Noon pa man alam kong marami sa kanila na hindi pabor sa Death Penalty ang ilan sa ating mga mambabatas . Saludo ako sa inyong paninindigan. Siguro kung ilalagay ko ang sarili ko sa iyong katayuan. Marahil ang posisyon ng iyong puso ay tumatangi sa Death Penalty dahil sa Espiritwal na katangian.

Ayaw niyo ang DEATH Penalty dahil labag ito sa Human Rights. Pareho po tayo. Na mataas ang Pag gagalang sa Mga Karapatan.

Pero pwede niyo din po bang Pakinggan ang Ilang Paglalambing namin?

Ako ay isang Babae, itago niyo na lamang po ako sa Pangalang ''ROSE'' isa po akong Dentista. At naging biktima ng RAPE, ako ay napagsamantalahan ng hindi ko kilalang mga lalake. nasa trabaho ako noon. araw ng biyernes. Pinasok nila ang aking klinika at Tinangay ang mga gamit na mapapakinabangan nila. hindi nakuntento ako ay kanila pang pinag samantalahan.

Walang CCTV ang aking Clinic. Masakit sa akin ang nangyari, Pero nag papasalamat ako sa Panginoon dahil ako ay hindi nila Pinatay. Hindi ko sila namukhaan. may takip ang kanilang mukha.

Inisip ko noon. Kung mag susumbong ako. isang malaking eskandalo. ang aking kakaharapin. Kaya pinili ko  na lang manahimik,

Mali yun. Alam ko! dapat hindi ako nanahimik. Katulad ng paraan na kayo ay handang protektahan ang karapatan ng mamamayan. Parehong Dahilan na kailangan ko ding depensahan ang aking kahihiyan.

DEATH PENALTY. sino po ba ang iyong Pino Protektahan? Ang Karapatan ng isang Kriminal?

Oo. Karapatan nilang Mabuhay, Karapatan nilang Ipag tanggol ang kanilang sarili.

Karapatan din ng mga Kriminal na Umulit ulit sa pag gawa ng katarantaduhan dahil may batas na mag tatanggol sa kanilang Karapatan.

Ang isang Kriminal na Sinira ang dangal at Puri ng isang Babae, maaring MABALIW dahil hindi kinaya ang Phobia sa karahasang Dinanas

Ang Isang DRUG PUSHER na Libo Libo ang Sinasakal na Kabataan. Maaring masira ang Kinabukasan Dahil sa Pag gamit ng Illegal na Droga

DEATH PENALTY: Kung hindi ka isang UTAK KRIMINAL bakit kayo matatakot sa parusang ito?

Kung sa iyong pamilya mangyari ang karahasan? babuyin ang Katawan mo ng dalampung kalalakihan na bangag sa droga, damay pati  mahal mo sa buhay? ano ang mararamdaman mo?

Bago mo tuligsahin ang ugat ng PARUSA kailangan Makita mo din ang UGAT kung bakit ito kailangang idikta.

Ang Pangil ng ating batas ay napaka purol sa ating bansa, bukod sa ang mga kriminal ay nagtatago sa bestida ng isang anesthesia. at ito ay sinasabi nyong ''HUMAN RIGHTS''

Paano naman ang HUMAN RIGHTS ng mga NAPATAY? NAGAHASA? nasira ang BUHAY? PAANO NAMAN ANG HUMAN RIGHTS ng isang katulad kong piniling manahimik dahil mas iningatan ang reputasyon at natakot na pag usapan at mabilad sa kahihiyan?

TO MY DEAREST SENATORS ANG CONGRESSMAN. and to all PArty List Voting Against It.   sa bagong administrasyong Duterte,

KUNG HINDI MAN sakaling  PUMASA ANG BATAS NA ITO.

sa tingin niyo PAPAYAG PA ANG MGA TAO na basta basta na lang MAKATAKAS ANG MGA AKUSADO DAHIL SA PAG KUKUNSINTI NYO?

Nag kakamali kayo,

DAHIL KUNG PLANO NIYO NA RIN LANG GAWING SANGKALAN ANG HUMAN RIGHTS PARA ANG MGA KRIMINAL AY MAG PAKARAMI AT LALONG MAGING DEMONYO

PANAHON NA PARA ANG BATAS , na IPINAG KAKAIT NIYO AY SA AMING MGA KAMAY DUMAAN MISMO

YUN BA ANG GUSTO NIYONG MANGYARI?

Ang Mas Magulong KARAHASAN NA MAMAMAYAN MISMO ANG HUHUSGA SA KRIMINAL at hindi na pAAbutin sa HUSGADO? A.K.A EXTRA JUDICIAL KILLINGS?

Hindi ba sumagi sa UTAK NIYO na may mga uri ng mamamayang tulad ko? na may kakayahan at may salapi upang bumuo din ng organisadong mga VIGILANTE GROUP?
sa tingin niyo ba PULIS at mga awtoridad lang ang may kakayahang mag punla ng tingga?  o mga sindikato at mga mga demonyong kaluluwa lang ang marunong bumaril? sa tingin niyo ba walang MGA PRIBADONG TAO? sa likod ng PATAYAN?
come to think of it my dear Fellow men.
THIS COUNTRY NEEDS CLEANSING. At hindi na makaka pag hintay ang BAYAN sa napaka bagal at bulok na judiciary system ng bansa.
 
HINDI BULAG ANG BAYANG ITO,

AT HINDI RIN MANHID ANG AMING MGA PUSO

HINDI NAMIN IBINOTO ANG ISANG DUTERTE PARA LANG MAGING MAPUROL ANG BATAS NG BAYANG ITO

NGAYON PA LANG. SA LAHAT NG KUMONTRA SA DEATH PENALTY.
HINDI NIYO MAN IBIGAY ANG  BATAS NA ITO.

Sinisiguro namin ito sa inyo.

PANGIL SA PANGIL. AT NGIPIN SA NGIPIN ANG SISINGILIN NAMIN SA MGA MAPAPATUYANG LALASPATANGAN SA BATAS NA BINABABOY NIYO!

Kung ang ISANG Kriminal sa kanyang pamumuhay ay naging malaya. at gumawa ng isang daang bilang ng Krimen. Pumatay, nanggahasa, nagnakaw, umapi ng kapwa. At sasailalalim sa pag susuri pagkatapos ng kamatayan niya. Makatarungan kaya na ang kriminal na ito ay Patawarin?

OO. pwede siyang patawarin. dahil siya naman ay patay na. walang halaga na ipunin pa ang sakit dahil siya ay wala ng damdamin dahil pumanaw na. Lalong siya naman ay hindi na makaka panakit pa

Kung Ang Pagpapatawad ang paraan upang ang kriminal ay maabswelto sa kasalanang nagawa niya. SA batas ng TAO bakit hindi pwedeng ibigay sa kanya? at pipigilan mo ang pagkakataong mapatawad siya? dahil sinasaklolohan mo siya sa ilalim ng batas na siya ay lalong tignan ng tao na masama?

Ang Kamatayang parusa: Sana ay Makita niyo din ito bilang isang instrumento upang mag hilom ang mga biktima at handang magbigay ng awa at pagpapawad sa kasalanang nagawa sa kanila.Maibigay din sana at makita ang karapatan nila,.. maramdamang sila ay tao pa na kayang umibig, magpatawad..at magsimula.

Ang Kamatayang Parusa: Ang buhay ay HIndi nagtatapos sa pag lagot ng kanyang hininga, dahil mananatiling buhay ang espirito ng kasamaan niya sa alala ala ng mga biktima.

Subalit Maaring mabago ito. maaring mapatawad pa ito. sakaling tapusin ang buhay niya sa halaga ng inutang niya. sa halaga ng buhay na sinira at nilapastangan nila. Sa HALAGA ng BUHAY at KALULUWANG PINATAY NILA HABANG HUMIHINGA

Alin ang mas Masahol na Kamatayan. ANG isang Minutong Kalyo ng lubid? o ang DEKADA ng mga taon na ang PUSO at Buhay ng mga BIktima ay napuno ng GALIT at LIGALIG.Nabuhay na may Lamig at Natakot nang Umibig, masaklap HIndi na natutong magtiwala at Sa kapwa ay naging Laging galit.

SAnay Matauhan ang mga taong kontra sa DEATH PENATY. Huwag niyong  Sayangin ang Boto ng mga  TAO sa Pinunong Tunay na magdadala ng makatarungang Hustisya.
AT mag iiwan kami ng isang KAtanungan. na kung masasagot niyo ay maaring makumbinsi niyo din ang mas marami .

ILAN ANG INOSENTENG TAO SA PANAHON NI NOAH?
Ilan ang BATANG NAMATAY AT NASUNOG NG BUO SA LUPAIN NG SODOM AT GOMORAH NOONG ITO AY PUKSAIN NG PANGINOON?
Wala kayang Ni isang BATA DITO? MATANDA? BUNTIS? 
Wala BANG Tulisan dito na May KArapatan ding MAG SISI? MAGBAGO? at magsimula MULI?

WALA PANG DROGA SA PANAHONG ITO. Subalit ang GALIT NG DIYOS AY ITINARAK SA BAYANG ITO.

DID GOD SHOWED MERCY WHEN HE BURN THOSE SOUL AT SODOM AND GOMORAH?

WHEN THE FLOOD OF NOAH ARRIVE TO HUMAN?
HOW MANY INNOCENT DIED?

The Testament laws commanded the death penalty for various acts: murder (Exodus 21:12), kidnapping (Exodus 21:16), bestiality (Exodus 22:19), adultery (Leviticus 20:10), homosexuality (Leviticus 20:13), being a false prophet (Deuteronomy 13:5), prostitution and rape (Deuteronomy 22:24), and several other crimes.

MAaring tayo ay nasa panahon napaka ligalig. na ang sukat ng ating pananampalataya ay naka ugnay sa karapatan ng taong mag bago at mabuhay. Pero Minsan kahit kaylan. ANG TAMA ay masakit at matamis na uri ng katarungan kesa, '' KARAPATAN'' na nagiging sanhi ng PAG KABULOK NG SANGKATAHUHAN.

Written by: Jone A. Estabillo

(VIRAL MESSAGE TO EVERYONE) ANO ANG TINGIN MO SA DEATH PENALTY?

Share
  •  
    Copyright © INFOGRAPIX | Designed by Templateism.com | WPResearcher.com | Blogger Templates